Chapter 26: Mr. Heartbreaker

11.8K 160 8
                                    

ALEX'S POV


9 am na ng magising ako.

At ang sakit sakit ng ulo ko.

Arggh!! Pano ako nakarating sa kwarto ko??

Ah, si bakuls nga pala ang naghatid sa akin.

Than, napansin ko yung malaking bear sa tabi ko.

Wala naman akong natatandaang may ganito ako ah =.=

Bumaba ako ng hagdan at sinalubong ako ni Poorita.

"Good Morning po mam!" bati nya sa akin.

"Dahil nakita kita, wala ng good sa morning ko."

"Hay nako mam. Gutom lang po yan. Kumain na po kayo. Nauna na nga po pala si Kuya Matt nyo, may aasikasuhin pa daw po sya ei."

"Tinatanung ko ba?? Anung ulam??"

"We've prepared a hotdog, sunny side up egg, ham and cheese and also your favorite morning drink which happens to be the magic milk."

Lumapit ako kay Poorita at hinawakan ang noo nya.

"Ba-bakit po??"

"May lagnat ka ba?" =.=

"Wa-wala po"

"Bakit ka nag-eenglish??"

"Well, ----"

Hindi na sya nakapagsalita dahil sinalpakan ko ng tissue yung bibig nya.

"Stop. Nasisira lang ang araw ko."

Tinanggal ni Poorita ang tissue sa bibig nya sabay sabing "Mam naman, napaka harsh nyo naman po"

"May bago ba dun??"

"Sabi ko nga po."

"Nga pala, saan galing yung malaking bear sa kwarto ko?"

"Ah yun po ba?? Galing po yon sa boyfriend nyo, yung si sir Kevin po. Ang sweet nga po nya ei. Nag-aalalapo sya ng bongga sa inyo kagabi. Hindi po sya umalis hangga't hindi po nya nakikitang ok na kayo. Napaka swerte nyo po sa kanya mam. Naku, wag nyo po syang papakawalan ha!"

"Tinanong ko lang kung kanino galing hindi ko tinanong kung ano ang gusto mong sabihin tungkol sa kanya. Che"

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon