Tristan's POV
"Ganda ng mood natin ngayon ah." sabi ni Gab habang nagpa-practice kami para sa performance mamaya sa Queen. (bar ko)
"I'm just happy." sagot ko habang inaayos ang gitarang hawak ko.
"Happy daw pare." sabi naman ni Flint- ang drummer ng banda.
"Sa dami ng babaeng naghahabol sayo Tristan, sino ba namang hindi magiging masaya?" sabi ni Gab.
"Ang problema, hindi niya pinapansin. Stick to one na daw kasi sya. Langya pare, sino ang may kagagawan?" sabi naman ni Troy- bassist ng banda
"Mga g*go. Tigilan nya ko ha."
"Woah. Saka, bakit ang seryoso mo ata sa practice Tristan? Manunuod ba sya mamaya?" tanong naman ni Flint.
Tiningnan ko sila a ngumiti.
"Alam na." Gab.
Binato ko si Gab ng hawak kong bote ng tubig.
"G*go." sabi ko.
Panu ba naman ako hindi magseryoso? Eh, mamaya manunuod si My Queen ko. Tinawagan ko sya kagabi at ininvite ko na manuod mamaya ng performance ng banda, akala ko nga hindi sya papayag dahil magagalit yung boyfriend nya na si Kevin, pero ayun, pumayag. Ewan ko, ang saya ko lang.
I have always love Alex eversince. Ayaw kong mawala sya sakin kaya kahit masakit na hanggang kaibigan lang ang kaya nyang ibigay, tinanggap ko na lang. Masaya na ako sa set up na masyado syang clingy sakin. Alam kong mahal nya ako. Ang tanong lang, more than friends ba?
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, I offered myself as a rebound nung naging broken hearted sya kay Jarred. Kinain ko ang pride ko para sa kanya. ganun ko sya kamahal. Nung umalis sya, nangulila ako sa Queen ko kaya naman nagtayo ako ng bar at pinangalanan itong Queen named after her.
7-9 pm ang scheduled performance namin. Dadating daw sya ng mga 7:30. Magpapa late daw sya kasi may gagawin pa daw sila ng boyfriend nya. Nalungkot ako nun, pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin na hindi sya sakin. Isang kaibigan lang ako sa kanya.
Sinipat ko ang sarili ko. Ang gwapo ko talaga. Bakit ba hindi na lang sakin nainlove ang babaeng mahal ko?? Masyado kasing maganda ang mahal ko. Nabalitaan ko nga na may Alfie pa daw? Tapos may Red pa? Si Jarred ata naghahabol din. Pero iba siguro ang karisma nung Kevin para sya ang manaig.
Tumingin ako sa tabi ko. Isang bear na binili ko kanina sa cuddler. Sana magustuhan to ni Queen. 6:30 na. Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa bar KO.
"Ok na ba ang lahat? Ayaw ko ng magka problema ha!" sabi ko pagdating ko sa bar.
"Wow. Bihis na bihis tayo ah! Saan ang kasalan? Ninong ka ba?" Gab.
"Namo. Gusto mo mag sapakan tayo dito?"
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
أدب نسائيLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.