(3 years later)
Alex's POV
"Sabi sayo Ash eh. Alam mo, ang dami ng nangyari. Ang dami dami kong ikukwento sayo. Super namiss kita. At syempre, hindi mawawala ang pasalubong ko diba?" nilagay ko sa may gilid ang pasalubong ko at tumingin sa nakangiti nyang muka. She looks peaceful. She's happy, I know.
"Well, kamusta ka na? Pasensya na kung di kita nabibisita ha? Im doing great naman eh. Saka alam mo naman na nakaka stress ang apat kong anak! Haha. Anyway, alam mo bang 2 years old na ang triplets ko? Grabe, kamukang kamuka ni Kevin si Sky at Cloud tapos kamukha ko naman ni Rain. Si Ice naman, ayun..cool pa din daw sya. May balak nga ata yung gumawa ng banda eh. Imagine, kinokontrata nya ang mga kapatid nya? Gumawa daw sila ng banda? Eh ano namang alam ng triplets ko dun eh ang babata pa ng mga yun?" dere deretso ako sa pagdaldal ng may maalala ako.
"Nga pala, were staying in the Philippines for good. Para lagi kitang nabibisita. Tsaka, this is the best thing to do naman para mas matupad ko yung promises ko sayo diba?" ngumiti ako saka tumayo.
"I need to go. Susunduin ko pa si Ice sa taekwondo training nya eh. Nagpapaka cool nga kasi sya." inayos ko yung pasalubong kong bulaklak sa kanya na white roses at muling tiningnan ang nakangiti nyang litrato. I miss you Ashley. We miss you.
Right after magpunta ni Ash sa bahay, 6 months lang ang dumaan and she passed away. Kevin never left her. That time, super kinaiinggitan ko si Ash, Kevin was at her side. Nung ako yung may pinagdadaanan, Kevin was not there.
Super naaawa ako kay Ash that time. Pero wala naman akong magawa. All I can do to help is to pray for her lang. She does not want any treatment. Ayaw na nyang mag pa confine sa hospital. She lived like wala syang sakit. She pretended that she's OK but everyone know's shes not. She wants us to see na ok sya, kahit na ang totoo, hirap na hirap na sya.
For a fact, hinahangaan ko si Ash. It takes great courage and strenght to pretend that your fine even if your not. Ayaw nyang nakikita na nasasaktan kami lalo na si Adam. She loves Adam so much na hindi nya pinaalam sa anak nya ang sakit nya.
Pero, lahat ng bagay may katapusan, lahat pati buhay ng tao. Siguro, kinailangan na din nyang alis dahil masyado na syang nasasaktan at hindi na nya kinaya.
Kahit na maraming nagawang kasalanan si Ash, kahit papaano, nakita ko na nagbago sya. Nagbago sya dahil sa pagmamahal ni Kevin at alam ko na tama lang ang desisyon ko na ipahiram si Kevin kay Ash.
That moment nung nalaman ko na Ash was sick, hindi ko alam kung tama ba ang magiging desisyon ko na iwanan si kevin. Pero tulad ko, nakita kong nasasaktan din si Ash. Atleast, she deserved to be happy naman diba?
Naglakad ako papunta sa kotse at pinaandar ito. Three years have passed at napakarami ng nagbago sa amin, sa mundo.
Well, Blue is now 5 years old and is exited to go to school na. Sa sobrang exited nya, 2 months before ang school days, bumili na sya ng gamit. Magandang bata si Blue kasi sakin sya nagmana. Ayun, mommy pa din ang tawag nya sakin. When she grow up daw kasi, dapat mahigitan nya ako sa lahat ng field. Nakakatuwa nga eh.
Si Gray naman, yung younger brother nya, 3 years old na at napaka poging bata! Pinaglihi ba naman ni Jane kay Ian Somerhalder? Hindi ba naman magiging gwapo ang batang iyon? Natatawa nga ako kay Reddish eh. Paano ba naman, naiinis na naman sakin kasi nag suggest na naman ako ng name kay Jane. Eh, kasalanan ko ba na susundin ni Jane yung name na sinuggest ko?? Hindi naman diba?
Speaking of mag asawang yun, naghahanap na ng kapatid ang dalawa. Pinag uusapan pa nila dahil sabi nga ni Jane, mahirap manganak. And I must say, naiintindihan ko si Jane. Ang hirap kaya manganak! Imagine me pa ano! 3 kaya ang inanak ko! Sky came out first then Cloud then my princess Rain. Masaya magkaroon ng anak pero mahirap manganak!
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
Chick-LitLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.