Alex's POV
"Reddish!! Sige na please!! Sabihin mo na sakin!!" eto ako ngayon. Nagmamaka awa kay Reddish na sabihin sakin ang lahat ng naaalala nya. They are being unfair to me. Nagtanong na ako kay Clarissa sabi nya, wala syang masyado alam. Sabi naman ni Jane, si Reddish daw ang madaming alam! Hayss. Anong gagawin ko? Muka na tuloy akong tanga!!
Naglalakad sya ngayon papuntang canteen ng building na ito. Ang sosyal no? May canteen?? Ang taray! Anyway, wala ako sa bisyo para pansini ang interior design ng lugar na ito, naririto ako at nagmamaka awa kay Reddish. Curiosity kills kaya!!
"Umupo ka." sabi nya sakin. OMG. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o magiging masaya ba ako. Umupo ako. Napalunok. Hems!! Ok. Kaya mo yan.
"Magsasalita ka na ba?" tanong ko.
"I'll answer questions na kayang kong sagutin." seryoso nyang sagot.
"Ok. Ex ko talaga si Kevin??" Tumungo sya. Grabe. Ganun lang ba ang isasagot nya sakin? Tungo at iling?
"Minahal ko ba sya?"
"Malamang. Magiging kayo ba kung hindi?" pabalang nyang sagot. Kainis to.
"Gaano ko sya kamahal?"
"kinamalayan ko! Ako ba ang nagmahal?" pabalang ulit nyang sagot. Tuluyan ko na kayang batukan ang lalaking to?
"Paano kami nagkakilala?"
"Ang alam ko lang ninakawan ka nya ng halik sa elevator sa New York isang gabi." cool nyang sagot sakin.
"Sa New York kami nagkakilala?" tanong ko sa sarili ko na pilit inaalala ang nakaraan. Ang sakit sa ulo! Wala akong maalala.
"Kasasabi ko lang diba?" pabalang na naman nyang sagot. Tumayo na ako at hinanda ang kamay na ipangbabatok ko sa kanya.
"Subukan mo. Hindi ko sasagutin ang mga tanong mo." banta nya. Kainis naman. Hawak nya ang alas.
"Sige na nga. Ahm.. Paano kami bilang mag syota?" nagkibit balikat sya. Paano nga naman nya malalaman kung hindi naman sya yung nagmahal diba?
"Sya ba ang ama ni Andy?" seryoso kong tanong. Tumingin sya sakin.
"Sorry. Hindi ko kayang sagutin ang tanong mo." sagot nya. Si Kevin nga kaya? Kasi kung hindi..bakit ganun ang reaction nya diba?
"What exactly happens on the accident?" isa ko pang tanong. I have tried so many times to remember it. Kaya lang, wala na talaga eh.
"Hindi ko alam lahat ang kaya ko lang isagot sayo, it was my wedding day." na shock ako. Wedding nila ni Jane nung nangyari yun ? Ibig sabihin..madugo ang wedding nila?
"OMG. Seryoso?" tanong ko. Aba, kinamalayan ko kung jinojoke ako ng baliw na to.
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
Literatura FemininaLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.