"To have and to hold"
"In sickness and in health"
"Till death do us part"
Umiiyak na pinapanuod ni Alex ang kaibigan nyang si Red at Jane na kasalukuyang nagbibigay ng vows nila sa isa't isa. Yes, today is their wedding day. It's been 2 months at marami ng nagbago. Masaya si Alex, dahil sa wakas, masaya na din ang kaibigan nya.
Hindi nya namalayan na katabi na pala nya ang love of her life na si Kevin. Binulungan sya nito at sya namang ikinabigla nya.
"Baby Girl, stop crying. Hindi naman ikaw ang ikinakasal"
Nakasimangot na tiningnan nya ang lalaki at hinampas ito sa kaliwang braso.
"Nakakainis ka! Masaya lang ako!"
Niyakap sya ni Kevin ng mahigpit at nagsalita ulit.
"Oo na. Wag ka ng ma-inggit. Susunod na tayo"
Natawa naman si Alex sa sinabi ni Kevin. Their wedding is scheduled 4 months from now and yes, pinayagan na sila na magpakasal. Marami na silang pinagdaan at mas narealize nilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Kung iisipin, napaka petty ng mga reasons nila kung bakit sila naghihiwalay pero still, sila pa rin. Bakit? Kasi, SILA ang MEANT TO BE :)
"Nga pala, happy mothsary baby girl." sabi ni Kevin habang nakayakap pa din kay Alex.
"Happy Mothsary. May surprise ako sayo. Mamaya na lang kasi, nakakahiya dito. Baka, kung ano pang gawin mo."
"Kiss ba yan?"
"Kiss? Normal na sayo ang magnakaw ng kiss. Hindi kiss ang gift ko."
"Aww."
Matalas naman ang mata ni Clarissa habang nakatingin sa dalawang tao na katabi nya na kanina pang naglalambunchingan.
"Ehem, nasa simbahan tayo."
Dahil dun, bumitaw sila sa pagkakayakap at naghawak ng kamay na lang.
"Inggit ka lang Clarissa." sabi ni Kevin. Napatingin naman si Ales kay Clarissa at nag make face. Siningkitan naman si Clarissa si Alex at nagsalita.
"Hindi ako inggit. Meron din kaya akong love of my life." proud nyang sagot. Tumingin naman sya sa kanang parte ng simbahan at sinilip si Jake na kasalukuyang nakikinig sa pari. Napangiti sya.
"Holding your hand makes me believe like forever is true" sabi ni Alex.
"OMG. It feels like I'm listening to Shakespeare over here."
"Shhh. Wag kang maingay. Nasa simbahan tayo." saway naman ni Kevin.
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
Literatura FemininaLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.