Chapter 48: Wierd

9.3K 95 1
                                    

Alex's POV

Since tinawag ako ni Bakuls na Alex, hindi nya ako makikita ng buong araw. Kawawa naman si Baby Boy ko. Bahala sya, pustahan namin yun ei.

Since wala naman akong makakasama, si Alfie na lang ang niyaya ko. Since, kulang pa naman ang time na nagagamit namin sa catching up namin.

Gusto kong makipag kwentuhan na lang sa kanya hanggang sa mapagod ang mga panga ko. In the mood ako mag kwento ng mga kalukahan namin ni KC ei.

Anyway, kahit na gaganun ganun ang Baby Boy ko ei mamimiss ko yun. Nakakainis naman kasi, tinawag nya akong Alex. Ghad, hindi ko naisip na gagawin nya yun.

Nasa Starbucks kami ngayon ni Alfie. Since tapos na ang klase, naisipan naming dito na lang tumambay. Mahirap na, makita pa ako ni Bakuls. Paparusahan ko sya ngayon.

"Hoy! Kanina ka pang tulala dyan ah!" pang gugulat sakin ni Alfie.

"At nakabusangot pa ang muka mo." dugtong pa nya habang iniinom ang mocha frappe na inorder nya.

"Tsk. May iniisip lang ako." matamlay kong sagot sa kanya. Tiningnan ko ang phone ko. Hanggang ngayon, wala pa ding text o miss call man lang si Bakuls. Hindi man lang ba nya ako namiss?

Nakakainis naman. Ang napag usapan namin ay hindi nya ako pedeng makita pero hindi din naman ibig sabihin nun na hindi na nya ako pedeng tawagan o i-text man lang. Makikita nya, hindi ko sya papansinin.!!

"Boring naman dito. Anong maganda gawin?" tanong ko kay Alfie na kasalukuyang nakikinig sa headset nya. May na rock en roll pa na nalalaman. May pagyugyug pa ng ulo nya ei.

Binato ko sya ng hawak kong notebook.

"Aray!" sigaw nya sakin.

"Bakit ka ba namamato ha??" tanong ulit nya.

"Ano bang magandang gawin? Pampatanggal ng ka boringan??" sabi ko. Super bored na kasi ako. Wala kasi si Bakuls sa tabi ko. Kung andito yun, hindi ako mabobored. Ang saya kaya nun kasama!

"Alam ko na! Pulaan na lang natin yung mga customers dito. Dun ka naman magaling diba?" suggestion nya sakin.

Napangiti naman ako. Tutal magaling nga naman ako sa pamumula, yun na lang ang gagawin ko.

Ang una namin biktima ay kung babae na nakaupo mag isa sa may sulok. Hawak nya ang phone nya at parang may hinihintay at pakunot kunot pa ang noo nya.

 "She looks mad." sabi ni Alfie habang nag aala detective ang peg. May pagsingkit singkit pa ng mata na kunwaring nagtatago.

"She looks pissed. And her style, too boring." sagot  ko naman.

"Paano naging boring yan? Ang ganda kaya nya." depensa naman ni Alfie. Aba't ang mokong na ito, akal ko kakampi ko tapos kakampihan yung pinupulaan namin.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon