Chapter 9: The Other Side

13.8K 158 1
  • Dedicated kay Julie Ann Kalaw
                                    

Kevin's POV

Masyado na ta kayong nag-eenjoy sa mga POV ni Alex. Ako naman ang bida ngayon. Kaya making kayo. Mali pala, basahin nyo to.

Marami ng nangyari nitong mga nakaraaang araw na talaga naming kinaiinis ko. Isa na dyan yung dapat magkikita kami ni Alex for the second time around kaya lang itong si Alex, di sumipot. Namuti na ang mata ko't lahat lahat, walang nadating na Alex sa harapan ko, ni anino nya ay hindi ko nasilayan. Dahil doon ay nagalit talaga ako sa kanya. Paghintayin ba daw ako ng matagal? Im not used to those stuffs. Hindi ako ang naghihintay, ako ang hinihintay. Isa pa kaya lalong nag init ang ulo ko kay Alex ay dahil sa kanya natalo ako kay Red. May pustahan kasi kaming dalawa. Sabi nya, kapag dumating si Alex, panalo ako, pero kung hindi dumating, panalo sya. Ayaw kasi nyang maniwala na may kinakausap na ulit akong babae bukod kay Tita at sa mga pinsan ko. Dahil nga hindi dumating ang crazy girl nay un, natalo ako. Sampung libo din yun, sayang!

Mabilis na tumakbo ang oras at pasukan na naman. Sa wakas, hindi na ako tambay sa bahay o kaya naman gala kung saan. Nang dumating ako sa school ay bigla naman akong pinagkaguluhan ng mga babaeng malalandi kaya naman sobrang nairita na ako. Nung una, kayak o pang tiisin pero napuno na talaga ako kaya nakapagsalita ako ng masasakit na salita sa kanila.

Masama ang umpisa ng first day ko sa campus na ito. Ayaw ko pang dagdagan. Tatlong oras pa bago ang unang ko subject kaya naman I decided to go sa architecture department. Yun kasi ang course ni Red e. Sabi ko mag sink in na lang ako sa klase nya kesa naman landiin pa ako ng mga malalanding babae doon.

Natapos na ang isang subject nila at may klase na ako sa ECE department kaya naman umalis na ako at pumunta sa building ko kaya lang, naiwan ko yung bag ko. Ang tanga ko naman. Kailangan ko tuloy bumalik. Pagbalik ko ay nakabungguan ko si crazy girl. Aba, at dito rin pala napasok ang crazy girl na ito. Sabay pa nga kaming nagsalita kaya nagmumuka tuloy kaming ewan.

Nang makita ko ulit si crazy girl, naalala ko na naman na sya ang dahilan kung bakit ako natalo sa pustahan. Aaminin ko, natutuwa ako na naiinis. Natutuwa kasi nakita ko na naman si crazy girl at naiinis dahil nga nakita ko rin sya. Ang gulo ko ano??

Nag walk out si crazy girl at tuluyan na naman syang nawala sa paningin ko. Buong klase ko, iniispi ko kung bakit ganuon ang itsura ni crazy girl. I mean ok lang sya physically, basta may nararamdaman akong bad vibes sa kanya.

Dalawang oras lang ang klase ko kaya nakalabas na agad ako. Nasa ground floor ako ng makita ko si Alex.

"Oh, nandito ka pala crazy girl." Ako yan 

"Tigilan mo ako bakuls. Ayaw ko ng makipag away. Punong puno na ng negative vibes ang araw ko, kaya pede ba, imbes na titigil na, wag mu ng dagdagan pa." sabi ni crazy girl 

"Woah! Bad Vibes nga si crazy girl ngayun ah! Sige na. Mabait naman ako, di naman ako tulad mo." Nararamdaman kong masama ang aura nya kaya saka ko na lang iinisin kaya lang bigla naming sumulpot si Jared sa harap ni crazy girl.

Naramdaman kong nanghihina si crazy girl. Naging aligaga kasi sya ng biglang sumulpot si Jared na yun sa harapan nya. Kaya naman, nung nagtanong si Jared kung pede ba si Alex, ako na ang sumagot para sa kanya. Naramdaman kong kailangan ng tulong ni crazy girl.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon