Chapter 49: Triple Threat

8.3K 86 3
                                    

Alex's POV


Nakakatamad dito sa bahay. It's 10 am at hanggang nagyon, nakatunganga pa din ako dito sa harap ng TV. Naghihintay ng text ng bakulaw. Pero namuti na at lahat lahat ang mata ko, ni isang text walang nadating. Hindi man lang ba nya naaalala na pede na nya akong makita today?

"Baka matunaw ang phone mo." bigla namang sulpot ng dakila kong kapatid galing sa likod ko. Anu pa nga bang ginagawa nya? Nainom na naman ng kape. Ghad. I hate coffee.

"Eh kasi naman." pagmamaktol ko kay Matt.

"Eh kasi naman, hindi ka pa tinetext ng pinakamamahal mong boyfriend." pagdudugtong nya sa sinabi ko habang natatawa sa itsura ko.

"How'd you know?" mabilis pa sa alas kwatro kong tanong.

"Siguro... Nagselos yun." sabi sakin na may pagtaas taas pa ng kilay na parang siguradong sigurado sa mga sinasabi nya.

"Selos? Kanino naman?" kunot noo kong tanong.

"Kanino nga ba?" pagpapanggap nya na walang alam.

"Aha! Kanino pa? Edi kay super na miss mong best friend." sabay upo sa tabihan ko.

"Na miss na best friend?" tanong ko.

Binatukan ako ni Matt. Mahina lang naman pero ramdam ko yung impact. Anu daw?

"Si Alfie. Tanga!" natanga pa tuloy ako.

"And why would he?" pag mama arte ko sa kanya.

"Maybe kasi nagpunta sya dito kahapon?" parang di nya siguradong tanong.

"Pumunta sya dito?" tanong ko.

Hindi nya pinansin yung tanong ko at nagsalita muli.

"Maybe kasi nakita nya kayo ni Alfie kagabi?" dugtong uli nya na nagpapanggap na hindi sigurado sa sinasabi nya.

"Kawawa naman si Alexandria. Away sila ni Kevin nya." sabi ni Matt na naka make face pa at halatang nag iinis.

"Matt!!!" sigaw ko at hinagis ko sa kanya ang unan na hawak ko.

"Belat!" sabi nya at iniwan ako na tawang tawa.

Kevin saw us?

But how?

Why?

OMG. Yung wierd thingy kahapon.

Could that be??

Oh my Gee!! I actually saw Kevin!!

This is war!!

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon