Chapter M: Iniwan Mo Ako

7.6K 91 11
                                    

Alex's POV

Madaling araw na ng makauwi kami ni Manong. Masakit ang ulo ko. Masakit ang puso ko. Yung pagbitaw ko kay Kevin kanina, sobrang sakit. Parang pinatay ko ang sarili ko. Para akong kandila na unti unting nauubusan ng buhay. Mahal na mahal ko sya kaya ko to ginawa.

"Manong, magpahinga na po kayo. Pasensya na po sa abala." sabi ko pagkababa ko ng kotse. Walang gana akong pumasok sa bahay at kwarto ko. Pagkapasok ko...umiyak agad ako at niyakap yung bear na binigay ni Kevin sakin dati.

Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin o pakikitunguhan. Bakit pa kasi ako napasok dito?? Hindi ako makahinga. Ang sakit. Ang sakit sakit. Pero ginusto ko to. Paninindigan ko to.

Inayos ko na ang sarili ko at binuksa ang phone ko na pinatay ko pagkatapos namin mag usap ni Kevin. Napatingin ako sa may bintana. Uulan pa ata. Walang stars eh. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa veranda.

May nakita akong kotse. Blue na Ford. Parang ganito yung kotse ni Kevin?? Napansin kong nakatayo sya at nakasandal sa pintuan ng driver's seat habang nakatungo.

Nanlaki ang mata ko. Bakit sya nandito?? Tumingin ako sa phone ko. Ang daming missed calls at text galing sa kanya.

"Please. Mag-usap tayo. Hihintayin kita." sabi nya sa text. Napatingin ulit ako sa kanya. Naiiyak na naman ako.

Naka itim na v-neck shirt na sya ngayon at naka cream na pants na nakatupi. Magulo ang buhok nya at parang pagod sya. Nakalagay ang kamay nya sa bulsa ng pants nya. Kitang kita pa din ang build up ng katawan nya. Kahit madilim, kita mo pa ring maputi sya. At kahit nasa malayo ako...nararamdaman kong nasasaktan sya.

Tumunghay sya at tumingin sakin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung kanya. Pugto ang mata nya. Galing sa iyak. Yung mga mata nya...nagmamakaawang kausapin ko sya. Kahit magulo ang buhok nya..gwapo pa din sya.

Bigla namang bumuhos ang ulan. Hindi ako magkaintindihan. Hinanap ko agad ang payong ko. Baka mabasa si Kevin. Baka magkasakit sya. Agad agad akong tumakbo palabas para ibigay ang payong kay Kevin. Binuksan ko ito para hindi kami mabasa.

Nagkatitigan kami. Nakita ko yung mga mata nyang nasasaktan. Shit. Ganun ko ba talaga sya nasaktan?? Pero, ikakasal na sya. Hindi na kami pede.

Hinigit nya ako at nilagay ang kamay nya sa baywang ko at hinalikan ako. Nabitawan ko yung payong at basang basa na kaming dalawa. Gusto kong bumitaw pero hindi ko magawa. He is kissing me with so much love and longingness. bPara bang sinasabi nya na mahal nya ako. Nakakalasing at nakakapanghina ang mga halik nya. Nakadagdag drama pa ang buhos ng ulan.

Nang bumitaw sya sa halik nya..tumingin ulit sya sakin. Yung titig nya na nakapanghihina. Kahit umuulan, napansin ko pa din ang mga likidong tumutulo mula sa mga mata nya.

Hinawakan nya ang chin ko at nagsalita. "Mahal na mahal kita. Bakit hindi pwede??" nararamdaman ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan nya.

Umiiyak na naman ako. Mahal din kita Kevin. Kung alam mo lang. "Hindi pwede at hindi tama." sagot ko.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon