December 21, 2012.
Ito yung araw na sinabi nilang magugunaw na daw ang mundo. Maaga akong gumisng para tingnan kung totoo nga iyon. Nagpustahan pa kaming magkakaibigan na dapat gising kami simula alas dose ng hating gabi hanggang 11:59 gabi. Maghapon at magdamag akong nakaupo sa sala namin at hinihintay kung mangyayari nga iyon.
Tiningnan ko ang langit. Parang..parang uulan? Kinabahan ba ako? Haha. Hindi. Napapansin ko kasi na nagiging OA ang mga tao. Kesyo madami daw signs tulad na lamang ng pagkatalo ni Pacquio which has the same scene sa movie na 2012. Napaisip tuloy ako. Totoo ba ang pag gawa nila ng barko?
Kinuha ko ang netbook ko at tiningnan na lamang kung ilang views na ang Gangnam Style na pinagbibintangan nilang syang magiging hudyat ng pagkagunaw ng mundo. Dito daw nakalagay ang siyam na bilog na nagsisimbolo ng katupan ng mundo. Iyon ay ayos sa isang lalaki na nabuhay noong unang panahon pa. Sinasabi din nila na 2012 ang katapusan ng kalendaryo ng mga Mayan.
Kumunot ang noo ko ng makita ko ang paglagpas ng kantang iyon sa 1B views. Infairness, hindi naman ako nagandahan sa kanta pero lahat sila, aliw na aliw sa ginagaw ni Psy. Pero...tapos na ang siyam na bilog. Nasaan na nga ba ang pag gunaw ng mundo?
Dahil masyado akong bored sa kakahintay, napagdesisyunan kong buksan ang Wattpad. Palagi akong nagbabasa ng mga stories at kung ano ano. Nung mga panahong yun kung di ako nagkakamali at binabas ko ang My Prince ni Alyloonie. (tama ba spelling?)
Tapos napaisip ako. Bilang katapusan na daw ng mundo ngayon, bakit hindi ko man lang i-exercise ang imagination ko? So...dahil sa isang kalukahan, nabuo ang title ng una kong story.
Before mag December 21 ay naisip ko ng gumawa ng story. At habang nakahiga ako sa kama at hindi ako makatulog bandang ala una ng madaling araw ay nag-isip na lang ako ng ita-title ko sa story ko. Oo mahaba yun, pero..yun ang gusto ko eh.
December 21, 2012 ng ipanganak ang "When Mr. Heart Breaker Meets the Nroken Hearted Girl"
Naging inspirasyon ko dito ang short story na nabas ko noong 3rd year HS ako. At habang nagta-type ako, hindi tumitigil ang flow ng ideas sa utak ko. Pagod na ang mga daliri ko pero tuloy pa din ako.
Naaalala ko pa ng pindutin ko ang Save and Published button na iyon. Mabilis ang takbo ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan. May magababasa kaya ng kalukahan ko?
Just seconds passed at nirefresh ko ang published Prolouge ko. 4 reads. Napangiti ako. Yes! May 4 reads na ako! Ang bilis naman! Nakita ko ang promote button at pinindot iyon. Share sa kung ano anong site. 18 reads. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko. Alam kong maliit lamang iyon kumpara sa milyong milyong reads ng paborito kong libro na Despicable Guy saka Secretly Married pero ayos lang. Ang mahalaga, may nagbabasa.
Dumaan ang mga araw na wiling wili ako sa pag UUD. Nababasa ko pa ang mga comments nila na nakakatuwa rin naman talaga. It took me 9 moths I think ng matapos ko ang pagkahaba habang story.
Inaamin ko, I feel like my work is sooo Petty. But this is my first work. At masaya ako na sa loob ng isang tao, 100,000+ reads na ito.
Sino nga naman diba ang mag-aakala. Naaalala ko pa noon na 24000 pa lang reads ko. Feeling ko, ang bagal bagal tapos bigla na lang dumami ng dumami. Sabi ko pa kay Lord, sana po sa 18th birthday ko, naka 100000+ reads na ako. At November pa lang, naabot ko na yun.
Nais kong pasalamatan lahat ng taong naiwala sa story ko. Sa lahat ng mga readers na palaging nagko-comment at nagvo-vote. Pati sa mga silent readers na kahit silent ay damang dama ko ang pagmamahal nila.
Salamat sa siyam na buwan ng paghihintay. Salamat sa pagtyatyaga. Alam kong marami rami rin akong nadisappoint na tao dahil sa inconsistency ng mga gawa ko pero sana, kahit papaano na-appreciate nyo.
Isang taon na mula noong ipinanganak si Kevin at Alex. Kevin was from Kevin of Dspiclable and Alexa was the name I wanted to have. Kasunod ng pangalan ng tatay ko. Yung ibang pangalan at pangalan ng kaibigan ko at pangalan ng kung sino sino lang based na rin sa suggestion ng friends ko.
At huli, salamat po talaga! Hanggang sa susunod na story na matatapos ko. Haha.
Check The Colest Guy kung saan bida si Ice Villarasa. Salamat po! =))
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
Chick-LitLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.