Alex's POV
Nakikita ko ang masigabong palakpakan ng mga tao pero hindi ko yun naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ang ang tibok na puso ko.
Nakikita ko ang mga audience pero iisang muka lang ang nakikita ko, ang muka ng lalaking humahawak sa kamay ko.
Ni hindi ko nararamdamang pagod ako. Ang alam ko lang, kinakabahan ako.
Ang rason, hindi ko talaga alam.
Hindi ko maintindihan.
Pagkatapos namin magpasalamat sa mga nanuod, bumalik na kami sa back stage.
Binitawan ko yung kamay nya at tumakbo papunta sa sarili kong dressing room.
Nagagalit ako sa sarili ko kasi kahit anong gawin ko, sya pa rin.
Sya pa rin ang mukang hinahanap ko sa tuwing nalulungkot ako.
Maya maya, may kumatok sa pintuan ko.
Pinunasan ko muna yung muka ko.
Basa ng luha ei.
"Sino yan??" tanong ko.
"Jane" sagot ni Jane.
"Si Ganda." sagot naman ni Clarissa.
Tumayo ako at binuksan ang pintuan.
"Anong kailangan nyo?" walang gana kong tanong.
Pumasok silang dalawa na nakabusangot din ang muka.
"Paki lock nung pinto." sabi ko.
"What happened eariler? hindi nyo sinunod yung script." Clarissa.
"I know right! Ang tanga ko. it was my fault. Nakalimutan ko yung line ko then I saw the girl sa peripheral view ko tapos na black out ako tapos ganun na ang nagyari." paliwanag ko habang inaayos ang gamit ko.
"He must have loved you so much para sabihin yun." Jane.
"San naman galing yan? Hinugot mo pa sa baul mo ano??"
"Hindi kaya."
"Baka inspired lang yan." Clarissa.
"Hindi kaya. Baka ikaw." Jane.
Namula si Clarissa.
"Lumandi na naman." Ako.
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
ChickLitLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.