Chapter E: Maldita PA rin AKO

8K 88 6
                                    

Alex's POV

Medyo mahirap maghanap ng outfit ha. Buti na lang..always ready ang designer ko. Kaya lang may isang problema! Kulay black yung dress na nagustuhan ko. Walang ibang kulay. Parang nakakahiya naman ata pumunta sa party na ganito ang suot ko ano??

Wala na akong nagawa. Sinuot ko na lang. I look gorgeous naman eh with my ever so ganda na heels.

^____^

Tumawag ako kay Red to know if papunta na sila. Atleast pag dumating ako dun..may makakausap ako. I hate socializing with people. Ayaw ko kasi makipag plastikan sa kanila. Better to be quiet diba?

"Hello?"

"Oh. Napatawag ka?"

"I was just wondering if papunta na kayo ni Jane sa party?"

"Ah..ako lang ang pupunta eh." sagot nya sakin. Aba..at pumayag naman si Jane? Ang walang hiya.

"Bakit naman hindi kasama si Jane aber??" mataray kong sagot.

"I tried to make her come with me. She insist na wag na daw."

"Give the phone to Jane." demand ko. Kailangan kong malaman if nagsasabi ng totoo ang walang hiya.

"Hello?" sabi ni Jane.

"Hey..ang daya mo! Bakit hindi ka pupunta sa party? Um-outfit pa man din ako!" bulyaw ko sa kanya. Kainis naman kasi si Jane eh.

"Haha. Pasensya na ha.Wala kasing kasama si Blue eh pag umalis kami pareho."

"Edi isama nyo ang anak ko!"

"Hindi pede. Maingay dun. Saka gabi na din. Matutulog lang sya dun."

"Iwanan mo sa yaya?" suggest ko.

"It's not like I don't trust my yaya pero mas mabuti na ako na lang."

"Ok ok. Alagaan mo na lang ang sarili mo. Bawal ka magpuyat ok? Kailangan malusog ang pangalawang anak natin!"

"Ok. Sige bye!"

"Bye! Muah." Haist. Kainis! Wala si Jane. Si Red na naman ang kadakdakan ko. Ano naman ang mapag uusapan namin dun?

Maigi sana kung kasama ko si Kevin buong event eh ang kaso...sya ang may pa party. Sino na lang ang kakausapin ko?? Tinatamad tuloy ako pumunta.

Eto ako ngayon. Naglalakd papunta sa loob ng bahay ni Kevin. Dito kasi gaganapin ang engagement party nila ni Ashley. I womder if nakapunta na ako sa bahay na ito??

"Huy!"

"Ay..naglaglag na kabayo! ANo ba? Bakit ba sumusulpot ka lang ng bigla bigla! Para kang kabute!! Mas bagay ata sayo yun kesa sa Reddish eh."

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon