Chapter Q: Pakasalan

7.9K 78 8
                                    

Alex's POV

Sobrang nainis ako sa babaeng si Alys. Akala mo kung sino. Pumunta ako para kilalanin sya at hindi para leksyunan nya. Lagot sakin si Tristan mamaya. Bakit naman sya pumayag na magpakasal na babaeng ganun ang ugali??

Patayo na ako ng mag ring ang phone ko. Tumatawag si Jane.

"Hello??"

"San ka?? Samahan mo ako. Monthly check up ko na ii. Malapit na ako mag 7 months." aba maka utos ang babaeng ito.

"Nasaan si Redish ha??" mataray kong sagot. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa Alys na yin tapos dadagdagan pa ng Jane na to.

"Hindi ko alam ii. Sabi nya, magpasama na lang daw ako. May gagawin daw sya." malungkot nyang sagot. Ok. Nagdrama pa. Nakaka aduwa!!

"Oo na. Saan ba tayo magkikita??" nainis kong sagot. Pupunta na rin ako. May kailangan akong i-confirm.

Bago ako pumunta ng hospital, may binili muna ako. Kailangan ko ng malaman. Wala namang mawawala sakin eh.

"Ang tagal mo naman girl!!!" reklamo sakin ni Jane. Tuktukan ko kaya to?? Mas malayo kaya angvpinanggalingan ko kesa sa kanya.

"Sampal..gusto mo??" mataray kong tanong

"Para kang buntis. Ang init init lagi ng ulo mo." sabi nya.

"Tigilan mo ako. Isa pa at makikita mo."

"Sya..tara na!! Late na ako sa appointment ko." naglakad kami papunta sa OB nya. Chineck lang naman kung ok ang fetus at kung ano ano Nung kinausap na sya ni Doktora, lumabas muna ako at pumunta sa banyo. Pumasok ako sa cubicle at tinitigan ang hawak ko. Kailangan ko ng alamin.

After 10 minutes...kinabahan akong tingnan ang resulta. Ano ba ang dapat kong i-react kung buntis nga ako?? Dapat ba akong matuwa o kailangab kong mainis?? Kinuha ko ang PT at pumikit. Hinga ng malalim. Pagbukas ko ng mata ko, dalawang linyang pula ang nakita ko. Napangiti ako. Tama ba to?? Bigla akong kinabahan. Huminga ulit ako ng malalim at inayos ang gamit ko. Hindi pa nila pede malaman.

Habang naglalakad ay inayos ko ang gamit ko ng may makabangga akong babae.

"Ouch." sabi ng pamilyar na boses. Humarap ako sa babae at napangiti. Ang liit nga naman ng mundo. Tingnan mo nga naman, si Ashley?? Kaharap ko?? Nakakatawa.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon