Alex's POV
Lumabas ako ng resto ng galit na galit. Kainis!!! Basa pa ako! May araw din sakin yang Ashley na yan. Alex does not let you give her a "just" battle. Be ready for war.
Agad akong hinigit ni Tristan bitbit ang natutulog na si Ice. Shit. Si ice nga pala. Anong nangyari sa kanya?? Nakita ba nya yun??
"Umuwi na tayo." hinila nya ako hanggang makarating kami kung saan nakaparada ang kotse nya. Lahat ng taong makakasalubong namin ay napapatingin dahil nga basa ako at galit si Tristan. Inilagay nya si Ice sa may likod at pinasakay ako sa passenger's seat. Padabog nyang sinarhan ang pintuan ko at padabog ding sumakay. Nakakatakot si Tristan.
"Sinabihan na kita. Wag kang umuwi. Maiksi pa ang 5 years pero di ka nakinig." seryoso nyang sabi habang nakatingin sa kalsada.
"I was just...just curious." malungkot kong sagot.
"So, have you learned your lessons?? In a weeks time..aalis na kayo. You have to go back sa NY."
"What??"
"No discussions needed. Babalik ka..sa ayaw at sa gusto mo." yun na ang huli nyang sinabi at hindi na ulit kami nag-usap hanggang makarating sa bahay.
Umalis muna si Tristan dahil may gagawin daw sya. Hindi na nya sinabi sakin kung ano pero babalik daw sya mamayang gabi. Dito daw sya matutulog. May pag-uusapan daw kami. Nakakatakot si Tristan.
Nagising si Ice makalipas ang apat na oras. Agad nya akong niyakap at tinanong.
"Mom, are you fine?" nag-aalala nyang tanong.
"Im fine. As always." nakangiti kong sagot sa kanya. Ayaw kong nakikita na malungkot ang anak ko.
"Let's go back to NY Mom. Your safe over there." sabi ulit nya.
"Soon baby. Soon." naduduwal na naman ako. Pasimple akong tumayo at pumunta na CR. Hindi na maganda to. Kailangan ko ng i-confirm.
Nag ring ang phone ko at tumatawag si Kevin. Sasagutin ko ba o hindi?? Ang hirap magdesisyon.
"Hello.?" sagot ko.
"Alex..lumabas ka. Saglit lang to. Promise pagkatapos nito...pagkatapos nito...tahimik na ang lahat."
"Do I really need to go out??"
"Please??"
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
Literatura FemininaLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.