Kevin's POV
Matapos ibaba ni Ice ang tawag, isa lang ang tumatakbo sa utak ko. MAY ngayon at hindi kapanahunan ng rambutan!!!
Humarap ako kay Ashley at nasapo ang noo ko. Oo nga pala, nag uusap kami, pero paano na yan?? Hahanapan ko pa si Alex ng rambutan??
"Ash, ok lang ba kung mamaya na tayo mag-usap? May kailangan lang akong gawin." nagui-guilty ako. Kasi sya yung kasama ko pero si Alex pa rin ang ina-asikaso ko.
Pinunasan nya ang luha nya at tumayo. Humarap sya sakin at pilit na ngumiti. "Go. Mahirap maglihi ng hindi mo nakukuha ang gusto ng tyan mo. I know how it feels." ngumiti muli sya at hinawakan ang dalawang balikat ko.
Nakatingin pa din ako sa kanya. "Just dont leave me ok?" muli na namang lumandas ang luha sa mga mata nya.
Tuluyan ko na syang niyakap at nagsalita. "I wont leave you."
Bumitaw sya sa yakap at kumunot ang noo. "I think you should go and take a bath first." tumawa sya ng mahina at tinulak ako papunta sa taas.
"Ikaw?" tanong ko. Umiling sya sabay higop ng kape nya. "I want to be here. Maligo ka na!" utos nya sakin sabay tawa.
Bumaba ako ng kotse. Isang oras na ang nakakaraan at limang palengke na ang napupuntahan ko pero wala naman akong makitang rambutan. Pawis na ako kahit na papasikat pa lang ang araw. Bakit ba naman kasi sa rambutan pa nanglihi si Alex? Naglilihi na ba talaga yun o naghahanap lang ng mapagtritripan?
"Iho, bumili ka na ng gulay." alok sakin ng matanda. Napatigil ako at tumingin sa tinda nya. "Bibili ka ba iho?" muli nyang tanong. Napangiti ako. Alam ko na! Magtatanong na lang ako.
"Ah..Nanay, saan po kaya may rambutan?" nahihiya kong tanong.
"Rambutan? Aba iho, mayo ngayon at tuwing buwan lamang ng hulyo at agosto bumubunga yun. Para sa asawa mo bang naglilihi?" napakamot ako sa ulo at nawalan ng pag-asa. Bakit si Jane, hindi naman ganun maglihi.
"Pero, subukan mo sa Batangas iho, minsan kasi...mabunga na sa mga panahong ito ang rambutan doon." nabuhayan naman ako at napangiti. "Salamat po Nanay!!" sabi ko saka umalis.
Nakasakay na ako sa kotse ng marealize kong hindi man lang ako bumili kay Nanay. Babalik na lang ako pag may time.
Alas tres ang oras ng flight ni Clarissa so, mga 12 noon, asa airport na sya. Paano ko ipapadala yun?? Tumingin ako sa orasan ko at alas singko imedya na ng umaga. Kailangan kong bilisan.
Isat kalahating oras na lang ang byahe papuntang Batangas kaya hindi masyadong naging hastle. Sa may daan daan, napapatingin ako. Baka kasi may puno sila ng Rambutan. Yung iba, wala pang bunga. Sana..makakita na ako.
Isang oras na ako nagmamaneho ng mapansin ko ang isang puno ng rambutan na hitik sa bunga. Agad ko namang itinabi ang sasakyan ko at bumaba.
Tumayo ako sa labas ng bahay. Paano ko hihingiin ang mga yan? Pasilip silip ako sa bahay at nag aabang kung may tao ba. Nahihiya kasi akong tumawag. Napatingin na naman ako sa relo ko. 8:15 na. Kailangan kong bilisan.
"Tao po!! Tao po!!" tawag ko. Nakailang tawag pa ako pero wala pa ring nalabas. Humanap na lang kaya ako sa iba? Pero..wala na akong oras!!
Maya maya, may lumabas na matandang babae at ngumiti sa akin. "Ano iyon iho?" tanong nga.
"Good Morning po." nag bow ako. "Pasensya na po sa maagang pang iistorbo pero, pede po ba akong bumili ng rambutan nyo?" sabay turo ko sa puno ng rambutan nila.
"Naku, iho..hindi ko ipinagbebenta yan eh." na disappoint naman ako sa sagot nya.
"Sige na po Nanay. Maawa na po kayo sakin. Galing pa po ako ng Maynila. Naglilihi po ang asawa ko dyan eh." pagmamakaawa ko. Sorry po kung nagsinungaling ako. Tinitigan ako ng matanda mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted Girl (COMPLETE)
ChickLitLahat naman ng tao nasasaktan pag nagmamahal. Ikaw na bahala kung paano mo bubuuin ang mga pirasong minsan ay winasak ng isang tao. Mahalin mo pa sya sa huling pagkakataon, pagkatapos bitiw na.