Alexi Marie Angeles
"Ang tagal niya." mahinang bulong ko sa sarili habang nagpapalinga-linga sa paligid.
I am checking my wrist watch from time to time to see kung gaano katagal na akong naghihintay sa kanya. Sampung minuto ang mabagal na lumipas ngunit kahit anino ng taong hinihintay ko ay hindi ko pa nakikita.
I let out a sigh as I stood idly at where I am standing. I can sit down at the bench nearby pero pinili ko pa ring tumayo sa harap ng college building ng taong hinihintay ko. I'm scared kasi na kung aalis ako sa pwesto ko ay baka hindi ko siya mapansin na lumabas at mauwi sa wala ang paghihintay ko rito.
Myco, asan ka na ba?
Lumipas pa ang 45 minutes at nananakit na ang mga binti ko. For the umpteenth time ay lumingon ako sa building namin, and my heart did a great leap nang matanaw kong papalabas ang lalaki kanina ko pa hinihintay. Kasama niya ang mga bagong kaibigan na nakilala niya rito sa university.
Una akong napansin ng isa sa kaibigan niya. Siniko niya si Myco saka nginuso ang kinatatayuan ko. Bago pa sila makalapit sa pwesto ko ay malaki ang ngiti na nauna na akong lumapit sa kanila.
"Myco!" tawag ko na mas ginandahan pa ang ngiti na akala mo hindi naghintay ng matagal.
Walang interes na sinilip niya ang relo niya saka ako tinapunan ng tingin, "It's 5pm already. Kanina pang 3pm natapos ang huling klase natin. Ano pang ginagawa mo dito?"
Myco is my blockmate. Nag-enroll ako sa university na pinasukan niya at kinuha ang course na katulad ng kanya kahit hindi ko interes iyon. Geodetic? Ni hindi ko alam kung tungkol saan 'yon noong una. Ginagawa ko lang 'to para kahit man lang sa school ay makasama ko siya.
"Sabay na tayong umuwi," aya ko. Bahagya ko lang napansin ang friends niyang isa-isa nang humihiwalay sa'ming dalawa.
Sandali niyang sinundan ng tingin ang mga iyon nang magpaalam ang mga ito, saka binalik ang tingin sa'kin.
"Hindi ko alam kung anong trip mo ngayon pero wala akong oras para sa kalokohan mo, kung meron man uli."
Sandali akong napahugot ng malalim na hininga habang nakatingin sa kanya.
Hindi ko na lang inintindi ang sinabi niya.
"Sabay uli tayong umuwi ngayon. Dali na, isang beses mo palang akong napagbigyan"
"I can't, kailangan--"
Napalunok ako kasabay ng obvious na pagpuputol sa tangka niyang pagtanggi.
"Can we go to mall? Shopping. Sasamahan mo 'ko, di'ba?"
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...