Chapter 15

125 8 3
                                    


"What's that?"


Tanong ko kay Abbi na busy sa kusina. May hawak siyang malaking bowl at malaking spoon saka may ini-stir. 


10am palang at nakatulog si Anitha, si Gab ay lumabas at si Nathan ay nakikipaglaro sa labas kaya wala akong magawa.


"Gagawa akong maja, 'te." sagot niya na patuloy sa paghahalo.


Ma.... ha?


"Ano 'yon?" tanong ko uli, curious sa hinahalo niya, I think cornstarch iyon na hinahalo niya sa... milk?


Napatingin siya sa'kin. "Hindi ko alam kung paano iiexplain kung ano ang maja, pero mamaya, makikita mo iyon. Papatikim ko sa'yo... uhm, gusto mong tumulong 'te?"


"Of course!" sagot ko agad, since sinama niya ako sa pwesto niya weeks ago, parang medyo nagka-interes ako sa kusina. "Anong gagawin?"


Nilapit niya sa'kin ang bowl na hinahalo niya.


"Paghaluin mo lang iyang cornstarch saka gata, kapag wala ka nang nararamdaman na buo-buo, pwede na 'yon."


Inabot ko ang bowl at maliit na panandok na gamit niya at sinubukang haluin yang nasa bowl. Medyo matigas and buo buo nga ang mixture. Si Abbi ay pumwesto sa harap ng kalan at may hinalo-halo doon, nagsisimula palang siyang magluto ay naaamoy ko na ang mabangong aroma galing sa niluluto niya.


"Ang bango naman niyan... nakakagutom." hindi ko napigilang hindi sabihin. Nilingon niya ako.


"Talaga? Turo 'to ni mama sa'kin. Nagluluto siya ng mga kakanin dati eh, bata bata pa ko no'n. Tapos minsan isang beses nanood kami ni ate Ina kung paano siya magluto, tinuruan niya rin kami. Si ate hindi niya nakuha agad, pero ako, pakiramdam ko noon din kaya ko nang magluto ng maja niya." nakikinig ako sa kanya habang dahan dahang naghahalo ng mixture. Baka matapon kasi kapag hindi ako nag-ingat. "Kung may talent ako, siguro pagluluto na 'yon. Alam mo bang minsan, matikman ko lang yung pagkain, nalalasahan ko na kung ano anong mga ingredients ginamit doon?"


Wow. "So kung mag-aaral ka ng college, culinary ba ang gusto mong kunin?"


Hindi siya nakasagot agad. "Iyon ba yung course para sa may hilig sa pagluluto?" tumango ako. "Ah. Sabi nila mahal daw 'yon eh, kaya siguro kahit makapag-aral ako ng college, hindi ko kukunin 'yung course na 'yon. Pero di ko na kailangang problemahin 'yan, hindi naman ako mag-aaral na."


"Don't say that, makakapag-aral ka pa as long as gustuhin mo talaga."


"Hindi na rin ako aasa." sagot niya saka nanahimik, hindi ko na pinagpilitan ang side ko kahit ang gusto ko sanang gawin ay i-cheer up siya at i-encourage na may chance pa. "Uhm ate, okay na ba 'yan?"


Napayuko ako sa hinahalo ko, wala na akong maramdamang matigas o buo-buo.


Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon