Alexi Marie Angeles
Sta. Mesa, Manila
Nasa harap ako ng SM Sta. Mesa, hindi ko talaga alam kung saan ako napunta. Paglabas ng village kanina ay sumakay ako ng jeep na hindi ko alam kung saan papunta. I paid twenty pesos, puro coins, hindi nagtanong ang driver kung saan ang baba no'n, matagal ang byahe, hindi ko alam kung saan bababa, may mga kasama akong pasahero sa jeep kaya hindi ako kinakabahan. Hanggang sa lahat sila ay magbabaan sa iisang lugar, nakibaba ako. Bus terminal. Hindi nag-iisip na sumakay ako sa isang bus na sa nabasa ko ay pa-Cubao. Nagbayad uli ako nang may maningil sa'kin, I guess this is how the mode of payment works here. Sinabi kong sa cubao ang baba ko dahil iyon ang nabasa ko sa signboard.
The trip was a 3-long hour drive, nakatulog na nga ako sa bus eh at nagising lang nang may pumukpok ng malakas sa gilid ng bus. Nang magmulat ako ng mata ay papasok na sa isang bus terminal ang sinasakyan ko.
Maya-maya ay nagtayuan ang mga commuter, lahat sila ay pababa na. Hindi ko alam kung Cubao na ba ang lugar na 'to pero dahil nagsibabaan na sila ay bumaba na rin ako.
When I check the time in my wrist watch, it's already 3:45am.
Sa pagbaba ko palang ng bus ay may lalaki na akong napansin sa kanan ko, nagtatawag siya ng pasahero. Wala sa loob na sumakay ako doon sa jeep kung saan siya nagtatawag ng pasahero. Hindi ko alam kung saan papunta iyon. Nagbayad ako ng 17 pesos dahil iyon na lang ang baryang meron ako, inabot ko ang bayad sa unahan, akala ko tatanungin pa ako ng driver kung saan ako baba pero tinignan lang niya ang perang inabot ko saka ilagay sa lalagyan niya ng coins. Parang alam niya kung saan ako papunta, buti pa siya alam, ako hindi.
Nakatingin ako sa dinadaanan ng jeep, wala akong masyadong makita dahil madilim pa ang paligid, anong oras palang naman kasi at buti nalang at may ganito pang sasakyan.
Nililipad ng malamig na hangin ang buhok ko. Ilang beses pa akong nadulas sa upuan dahil sa mga biglaang pagpreno ng jeep kapag may baba o sasakay. First time ko dito kaya naman kinakabahan ako.
Paano nga ako napunta dito?
Nasa 15 minutes na akong sakay ng jeep, mas mabilis na ang paandar ng driver sa sasakyan, wala kasi halos laman ang kalsada. Maya maya pa bigla uling nagpreno ang driver, nagkatinginan kaming apat na pasahero. May sumakay na tatlong lalaki. Sinulyapan ko sila. 'Yung dalawa umupo sa magkabilang dulo ng jeep, iyong isa nasa may likod ng driver. Nagbayad sila at 'divisoria' daw ang baba nila.
Maya maya pa bumaba ang dalawang pasahero. Sinundan ko sila ng tingin at pagsulyap ko sa isang lalaki sa dulo, sa akin siya nakatingin.
Kinabahan ako.
May nagpreno uli, 'yung isang lalaki na kanina pa rin nakasakay ng jeep. Mas kinabahan na ako dahil naiwan ako sa loob kasama 'yung tatlong lalaking na huling sumakay kanina. Dahil sa kaba ko, tumayo ako at bago pa man mapaandar ng driver yung jeep, tumakbo ako pababa nito. Saktong paglanding ko sa kalsada ang pag alis ng jeep, liningon ko iyon at sa'kin nakatingin 'yung tatlong lalaki kanina.
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...