Alexi Marie Angeles
[Myco meet me]
[Sa amethyst]
[5pm]
[Myco, please reply]
Sandali kong binitawan ang phone ko. 4:30pm na pero wala pa ring reply si Myco. Umupo ako sa kama saka tinitigan ang phone. Maya maya pa ay kinuha ko uli iyon at nagcompose ng sunod sunod na messages.
[Myco.]
[Pupunta ako dyan kapag hindi ka sumagot sakin]
[Seryoso ako]
*Beep
Lumundag ang puso ko sa tuwa nang biglang magpop in ang pangalan ni Myco sa screen ng phone ko.
[Paulit ulit nalang Alex, manawa ka naman]
Ni hindi ako naapektuhan sa reply niya.
[Please?]
[6pm, amethyst. Huli na 'to, parang awa mo na]
Napangiti ako sa reply niya. 6pm ang sinet niyang oras pero ngayon palang tumakbo na ako sa cabinet para maghanap ng damit at maligo saglit.
Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Kung bakit pinagpipilitan ko pa. I know for a fact na hindi na naman pwede. Pero hindi naman niya mahal si Ash eh, hindi niya mahal. Napilitan lang siyang pakisamahan 'to dahil sa nabuntis na niya ito.
May dahilan pa ako para umasa, dahil hindi sila tatagal. Walang one-sided relationship ang tumatagal.
Phone ko agad ang unang kong hinawakan pagkatapos kong maligo. Nagcompose ako ng message para kay Ash. I am really wicked for I still manage to smile sweetly kahit kademonyohan ang gagawin ko.
[Wanna know the truth? Pumunta ka sa garden ng Amethyst High. Malalaman mo na ang totoo, iyong matagal mo nang gustong malaman. Clue? Tungkol sa isang babae at kay Myco]
May alam akong hindi alam ni Ash at iyon ang gagamitin ko para masira sila. Gano'n ako ka selfish. Wala akong pakialam sa mga taong wala namang magagawang maganda sa buhay ko.
Ngayong gabi, pwedeng mawala si Myco sa'kin, pero alam kong hindi lang ako ang mawawalan. Mawawala rin si Ash kay Myco. That is what I am sure of.
***
2 days later.
Tahimik akong nakatingin sa mga post sa news feed ko nitong hapon nang may magpop in na notif sa notification box ko. Tinignan ko kung ano iyon, post ng class president namin noong 4th year sa facebook group ng batch namin.
Have you heard the sad news? Kaninang madaling araw lang namin nabalitaan, ate Ashtine from class 4-A left us. We don't know the cause of her death yet. Condolence to her friends and family and of course to kuya Myco.
Ilang minuto akong napatitig sa screen ng laptop... sa mismong post ng classmate ko.
Maya maya pa ay nagsink in sa'kin ang message at kasabay no'n ay nagsimulang manuyo ang lalamunan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
What happened to her?
What about Myco?
Is this somehow connected to what happened 2 nights ago?
... is this because of me?
_________________________
BINABASA MO ANG
Never Again
RomansaComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...