I can't comprehend what's inside of your messed up mind, dad. So Livia, after with the siblings' father, had an affair with another man which led to her impregnation with Anitha. Tapos ngayon ikaw naman ang lalaki niya. It just disgusted me even more that I feel like throwing up.
I don't think I can deal with this. After kong marinig ang sinagot ni dad, nanghina ako sa relief na naramdaman ko, pero nang marealize ko ang implication ng sagot niya, nanlumo rin ako. Dad is a reputable man, but their relationship, kung makakarating iyon sa iba, will surely drag him down. Mas lalo pang nakakababa ang uri ng babaeng pinili niya. Hindi ko naman sinasabing mababang uri si Livia, kasi pokpok na ang tawag doon, pero hindi rin siya ang tipong maipagmamalaki.
Oh my God, I know I'm a brat but I've never addressed a person this way, ngayon lang. Nagbabagong buhay na nga ako, eh, kaso sinusubok naman ako ng situation. Bullshit.
Sinabihan ako ni dad na bumaba pero hindi ko ginawa. Kahit miss ko na si Tinay ay tiniis ko muna siya.
Sabi ni Ikoy ay susubukan niya akong tawagan ngayong gabi, pero hindi na ako makapaghintay sa tawag niya, ako na mismo ang tumawag. Sa ilang ring lang ay sinagot na niya iyon.
[Alex?]
"Hello, Ikoy. Busy ka pa?"
[Hindi, kakauwi ko lang. Bakit, may problema?]
Lumabas ako sa veranda at sumalubong sa'kin ang malamig na simoy ng panggabing hangin.
"May itatanong ako, kilala mo ba kung sinong papa ni Tinay?"
Sandali siyang hindi nakasagot. Sa background ay narinig ko ang boses ni Intoy, nagtatanong kung sino ang kausap ni Ikoy, hindi ko naman narinig na sinagot niya iyon.
[Bakit mo natanong?]
Sumandal ako sa railing, "Nakalabas na sa ospital iyong bata, nandito na rin siya sa bahay."
[Talaga?!] bakas ang galak sa boses niya. Natuwa akong marinig na natuwa siya, at least kahit papaano may good news naman akong naibalita sa kanya.
"Yes. Hindi ko pa nga lang siya nakikita, pero I'm sure okay na siya considering na nakalabas na siya ng ospital. Anyway, I'm asking about her father dahil nalaman ko kay dad na hindi naman pala siya ang tatay ni Tinay, hindi naman sa hiniling ko na sana siya nga but the possibility occurred on my mind kaya naitanong ko sa kanya, sinabi naman niyang hindi. Now I'm curious, kilala mo ba kung sinong tatay niya?"
[Hindi eh.] sagot niya sa mas mababang boses. [Umuwi na lang siya isang araw na bagong panganak kay Tinay, tinanong namin kung sinong tatay pero pinagalitan kami at sinabing wag na naming tanungin. Dalawang linggo matapos niyang iuwi iyong sanggol dito, bumalik na siya sa pagtatrabaho at iniwan sa'min ang pag-aalaga sa bata. Hanggang ngayon wala akong ideya kung sinong tatay niya... naisip ko rin na baka iyong tatay mo, pero buti na rin at hindi.]

BINABASA MO ANG
Never Again
RomansaComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...