"A...te." kaharap ko si Anitha ngayon. Patiently tutoring her on how to talk. Pampalipas oras lang since wala naman akong magawa.
Nakatingin lang siya sa mukha ko. Soon 1 year old na siya pero iilang salita palang ang alam niya like mama and mamam, mamam means kain.
"Tinay, a-te."
"Hmm-teh!"
"Ayan!" kiniss ko siya sa pisngi saka kinuha ang makabilang wrist niya para ipalakpak ang kamay niya. "Yehey. Ngayon naman, kuuu-yah." inexaggerate ko ang buka ng bibig ko just for her to follow me. "Kuu-yah."
"Ih-koy!" tumatawang sagot niya. Natawa nalang din ako kahit mali naman iyon. Nagagaya niya na kasi ang mga naririnig niya at madalas pangalan ni Ikoy ang nasasalita niya. Hindi man lang nagaya ang kuya eh di hamak na mas madali banggitin 'yon.
"No baby, ku-ya."
"Bibi?" inosente niyang pangagaya sa baby na tinawag ko sa kanya. Sandali akong napatitig sa kanya.
My God Anitha! You're so charming! Para sa isang bata na halos mga kapatid nalang ang nagpapalaki, at sa ganitong environment pa, pwede siyang ihilera sa mga anak mayaman.
No exaggeration. Makinis ang balat niya kahit may kaunting peklat sa ilang parte ng braso at binti na dahil ata sa mga kagat ng insekto. Maputi siya, kulot ang buhok niya pero malinis at itim na itim tignan, I suddenly remembered my baby pictures, parang ganon din kasi ang buhok ko sa kanya. Then her eyes, bilog at brown ang mata niya. I know na brown naman talaga ang kulay ng mata ng tao at hindi black pero itong kay Anitha, halatang halata ang pagkabrown niya. Sa magkakapatid, siya lang ang may ganitong mata.
I must admit na halos lahat silang magkakapatid ay may itsura, sa iba ibang paraan at kilatis. Pero sa kanilang lahat, namumukod tangi ang itsura ni Anitha, para siyang anak ng foreigner or something like that.
Nacurious tuloy ako bigla sa itsura ng parents nila. Wala ba silang picture no'n?
"Ih-koy!" pag-uulit pa ni Tinay.
"Kuya Ikoy." pagtatama ko sa kanya. Pero hindi na siya sakin nakatingin. Bumubungisngis na nakatingala siya sa may likod ko.
At bigla bigla, mula sa likod ko, may ulong dumaan sa ibabaw ng balikat ko.
"Booh!"
"Hah-Hah-Hah-Hak!" malutong na tawa ni Tinay pero hindi ko na napansin iyon.
Natigilan ako sa ulong lumampas lang ng kaunti sa pisngi ko.

BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...