Chapter 22

69 7 2
                                        


NAKAHIGA na ang lahat sa kanya kanya naming pwesto, including I. Napatulog ko na si Anitha, nakatulog na rin ang iba pero ni hindi pa ako nahihikab. Sa haba ng naging araw ko dapat knock out na ako pero kung susuriin ko ang katawan ko, hindi pa ako nakakaramdam ng pagod.


Hinulaan ko ang oras, siguro mag-aalas dose na dahil kaninang alas dyes pa kami pumasok ng kwarto, tapos mga nasa 30 minutes kaming nagkwentuhan nina Ina at Abbi habang nakahiga, natigilin lang kami at nagdecide nang matulog nang marinig namin si Intoy sa labas na kinakatok kami, maingay daw kami. Doon na kami nagkanya kanyang pikit. At sila nga nakatulog na, ako hindi pa.


Tumayo ako and I tiptoed palabas ng kwarto namin. Madilim sa sala paglabas dahil sa nakapatay na ilaw. Ang plano ko sana ay sa CR magpunta para maghilamos uli, baka kasi naiinitan lang ako kaya hindi pa ako makatulog. Pero hindi na natuloy ang plano ko nang mapansing bahagyang nakabukas ang pinto. Inaninag ko ang sala, sa sahig ay naaaninag ko si Intoy na nakahiga, malamang na natutulog na. The sofa was empty, dapat ay nandoon si Ikoy at natutulog na rin. But then there was none.


May pumasok agad na ideya sa isip ko. Imbis na sa CR pa tumuloy ay maingat na naglakad ako palabas. Sinarhan ko muna ng maayos ang pinto saka humarap sa labas. Ang kaninang iniexpect ko na may ladder na sasabulong sa paningin ko ay biglang naghalo nang wala akong ganon na makita. 


Akala ko kasi, katulad last time ay may makikita akong kahoy na hagdan, at sa taas no'n ay nandoon uli si Ikoy. Nag-iimagine lang pala ako.


Umatras ako para sana pumasok na uli sa loob when I heard a soft 'thud', parang may malambot na bagay ang inihagis sa bubong. Napakunot ang noo ko and once again tinignan ko ang paligid, baka I missed the sight of ladder dahil may kadiliman ang paligid. Pero wala talaga. I decided na pumasok nalang din... pero bago ko pa matulak ang pinto pabukas, dahil wala naman 'yong doorknob, ay binitawan ko na 'yon at naglakad papunta sa likod ng bahay, kung saan nakalagay ang mga gamit ni Abbi paninda. 


Saktong pagsilip ko ay nakita ko agad si Ikoy, may kung ano siyang ibinato sa bubong and that thing once again created a soft 'thud' noise. 


So my intuition was right when I saw the door slightly opened kanina. Aakyat siya sa taas ngayon.


Hindi niya naramdamang nasa malapit lang ako until I reached his side.


"Hey."


Nabitin sa ere ang paghakbang niya sana paakyat. "Anong... gising ka pa?"


Tumango ako. "May I climb up too?"


Tinaasan niya ako ng kilay, in a very manly way. "Hindi ka pa matutulog?"


"Kung matutulog na ako sana'y nakahiga na ako, at kanina pa tulog." I answered. 


Umatras siya at iminuwestra ang hagdan. "Sasagot nalang e kailangan pang nangbabara." napatingin ako sa kanya, pinigil na matawa. "Mauna ka, aalalayan kita."


"Wag kang manilip ah." babala ko. Garterized short kasi ang suot ko kaya malamang sa malamang kung nasa tuktok na ako at titingala siya sa'kin, makikitaan niya ako. 

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon