Chapter 11

123 7 0
                                    


Binagsak ni Gabriel sa harap ko lahat ng tupiin na kakakuha palang niya sa sampayan. Mula sa pagkakaupo sa sahig, napatingala ako sa kanya.


"Sabi ni kuya Ikoy di'ba magtupi ka?" paliwanag niya hindi pa man ako nagtatanong.


Yeah, right. Oo nga pala.


Kanina pa umalis si Ikoy, talagang umuwi lang siya dito para kumain.


"P-Paano ba?" tinignan ko ang mga damit. Ang dami. Biglang umupo sa harap ko si Gabriel, nasa gitna namin ang mga damit, kumuha siya ng isa saka tinanggal ang hanger no'n, binaligtad at maayos na pinatong sa lap niya.


"See the look."


See the... what? Naiiling na inabangan ko kung anong gagawin niya. Pakiramdam ko estudyante ako na nag-aabangan ng kung anong bagong lecture ng teacher. 


Pero parang gano'n nga ang nangyayari sa'kin. Para akong bumalik sa pag-aaral. Itong bahay na 'to ang school, iyong mga bago kong natututunan at nalalaman ang lecture at ang magkakapatid ang teacher ko dahil sila ang nagtuturo sa akin kung paanong kumilos sa lugar na kinalalagyan ko ngayon.


Lessons in life one must learn, indeed.


"Alex? Naintindihan mo ba?"


"Yes?" natinag lang ako sa pag-iisip nang marinig kong tinawag niya ako. Halata sa mukha niya ang banas nang malamang hindi ako nakikinig sa kanya. "Pakiulit?"


"Tsk. Tsk. Oh pangatlong damit na 'to, baka gusto mong intindihin 'tong tinuturo sa'yo?"


"Yeah. Yeah. Demo."


Kumuha siya ng pangatlong damit, binaliktad, maayos na pinatong sa lap niya. Kinuha niya yung I think 1/4 ng right side ng tshirt saka tinupi, kinuha niya ung 1/4 again ng left side saka tinupi. Inayos niya ng tupi yung magkabilang sleeve. Tapos mula sa baba ay may tinupi siya hanggang gitna. Mula gitna ay tinupi niya uli iyon hanggang taas na ngayon. Tapos flinip niya yung tshirt then natupi na siya. Hindi ko nakuha kung paano niya ginawa. Nakakalito. Tinignan niya ako.


"Hindi mo nakuha?" tanong agad niya wala pa man akong sinasabi. Umiling ako. Inulit niya 'yong ginawa niya. Hindi ko pa rin nakuha, nakakalito eh. "Ganito na nga lang! Kumuha ka ng damit at sundan mo ang gagawin ko, step by step, kamon."


"Tch." katulad ng sabi niya, kumuha na ako ng damit, kung anong gagawin niya, gagayahin ko, hanggang sa matupi ko ang damit na hawak ko. "Nice." nakangiwing puri ko nalang sa sarili kahit fail ang pagkakatupi ko sa damit.


"Anak mayaman, walang alam." iiling iling na bulong ni Gabriel, rinig ko naman.


 Kinuha niya sa lap ko ang tinupi kong damit saka inayos ang pagkakatupi roon.


"Trip mong laitin ako, ano?" naiinis na tanong ko saka kumuha uli ng bagong damit, tinignan ko uli ang ginagawa niya saka sinundan iyon. Second try, failed pa rin. Kinuha niya uli sa lap ko ang damit at inayos sa pagkakatupi. Kumuha na naman ako ng pangatlong damit hanggang sa nagpaulit ulit nalang ang ginagawa namin. Katagalan, medyo umayos na rin ang mga natutupi kong damit, hindi nga lang kasing ayos ng kay Gab. Pero at least, diba?

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon