Chapter 39

55 5 3
                                    


Mom's freaking worried when I get home. Apparently, alam niya ang nangyayari sa bahay at alam niyang nandoon ako. Ang kinakatakot niya, baka magdecide akong bumalik sa bahay at iwan siya dito.


"I'm sorry, mom." sagot ko matapos marinig ang sinabi niya. Lumambot ang mukha niya at nilapitan ako. Yinapos niya ang ulo ko.


"It's okay, Lexie. Have you eaten?" tumango ako at bahagyang lumayo sa kanya. 


"Mom, I'm not saying sorry because I made you worried." paglilinaw ko dahilan para magsalubong ang kilay niya. "I'm sorry because I've decided to temporarily return to home."


Tuluyan niya akong binitawan.


"What?" she asks in a semi-agitated tone.


"Don't get me wrong. I'll explain first what's the situation at home."


Hinila ko siya and we sit at the sofa while I'm explaning. Ang alam lang niya ay lumipat na rin doon ang mga anak ni Livia, hindi niya alam na sila sila rin mismo ang mga tumulong at nagpatira sa'kin sa bahay nila noong wala akong matutuluyan. Pinaliwanag ko sa kanya iyon. Binanggit ko rin na gustong bawiin ni Ikoy ang mga kapatid niya at na hiningi niya ang tulong ko. Pero hindi ko naman alam kung paano ko siya matutulungan kaya naman napagdesisyunan kong bumalik muna uli sa bahay to asses everything.


"What kind of coincidence is that?" manghang tanong niya when I finished explaining.


Nagkibit balikat ako. "I don't know either."


Hindi siya pumayag sa gusto kong mangyari noong una pero ipinilit ko ang plano ko and sa huli ay wala siyang nagawa. But my maximum stay at home would only be for a month. Successful or not, after a month ay kailangan ko nang bumalik dito.


Mom has a plan of leaving the country and she wants me to come with her and continue my studies abroad. Nagulat ako at napipilitang umayon sa plano niya, kung ipapakita ko kasing nagdadalawang-isip ako ay baka bawiin niya ang pagpayag niyang bumalik ako sa bahay. Saka ko na lang pag-iisipan ang tungkol sa gusto niyang mangyari, sa ngayon kailangan ko munang unahin ang kung anong nasa harap ko. Isa pa, masyado na akong pagod para magdagdag pa ng isipin.


I have no things to pack kaya naman matapos maglinis ng sarili ay nahiga na ako sa kama. Mom and I share the same room, the same bed too. Hinihintay ko siyang umakyat para matulog na rin pero mukhang nasa baba pa siya at may inaasikaso.


Today's a long tiring day and I am really exhausted, pero nang makahiga ay hindi naman agad ako nakatulog. Bumabalik lahat ng nangyari ngayong araw sa isip ko dahilan para hindi ako makatulog. Pumapasok din sa isip ko ang tungkol sa pagstay ko sa bahay at kung ano ang pwede kong asahan. For the mean time I don't think I can get along with Ina considering her attitude earlier. Si Abby ay pwede pa, mukhang napipilitan lang naman siyang makinig kay Ina kanina eh.


Just the mere thought of them makes my heart throb in pain, parang ngayon. 


Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon