Epilogue

132 7 21
                                    


Alexi Marie Angeles

The promise of meeting him every day until we depart didn't happen.

I was feeling down when we left the hotel that I didn't notice my mother was fuming with anger. Nang makauwi kami sa place niya, saka lang niya ako kinonfront about Ikoy... na nalaman niya mula kay dad na panganay na anak ni Livia.

Hindi niya gusto 'yon. So immediately, sinabi niyang hiwalay na kami na para bang manager siya na magagawan ng paraan na i-void ang maling na-punch ng cashier. As if she has the authority and control over things, she decided to just end our 'relationship.'

Hindi na rin niya hinayaang magkaroon kami ng communication. She confiscated my phone, iyon lang ang natatanging gadget na meron ako because I don't have my laptop with me, at kahit siguro nasa akin iyon, hindi ko rin magagamit iyon para ma-contact si Ikoy.

Of course lumaban ako. I don't like being controlled over lalo na kung sa dahilan na hindi katanggap-tanggap para sa akin kaya sinagot ko siya at kinontra, and it just angered her even more. Sa galit niya ay hindi na niya nahintay na lumipas ang tatlong araw, bago pa raw ako may magawang kahit ano ay pinalitan niya ang ticket namin ng mas maagang flight. In 12 hours, we are about to leave the country.

Everything happened abruptly, ni hindi ko nagawang tumakas.

Yeah, I was planning to escape. Tinanggap ko na ang idea na kailangan kong sumama kay mom sa Sweden pero hindi sa ganitong paraan na para akong kinakaladkad. Nagrebelde ako. Tatlong araw na nga lang ang meron ako, sobrang iksi na kung tutuusin, puputulin niya pa. I can't leave like that, so I planned to escape.

Pero hindi ko nagawa. Parang bata na nadala ako ni mommy sa ibang bansa. Parang walang sariling isip na nagdecide siyang mananatili ako roon kasama niya.

And I kinda regretted I didn't fight hard enough.

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is seven-forty seven pm."

My attention has been caught by the flight attendant's announcement. The flight from Sweden is seriously long but I didn't even notice the time due to my preoccupied mind. Nilingon ko ang bintana and I saw that we've landed already.

"The Scandinavian Airlines and its entire crew would like to thank you for joining us on this trip and we are greatly looking forward to seeing you onboard again in the future. Have a nice evening, everyone!"

Philippines...

I inhaled the polluted air of the city the moment I walked out of the terminal. Hila ang suitcase ko, I take a cab to Hilton Manila. I have nowhere to go to but a hotel. Well, I have nowhere yet.

Wala pang nakakaalam na bumalik na ako ng bansa. Si mommy lang ang may alam na uuwi ako. After six years of chaining me to her side, she finally let me go.

I sigh deeply and a sense of melancholy and apprehension enveloped me. Umuwi ako nang biglaan, nang hindi pinag-iisipan kung anong gagawin ko rito. When I was in Sweden, all I ever wished is to be back here that when my mother finally allowed me to go, walang pagdadalawang-isip na tumalima ako.

Ni hindi ko alam kung sinong binabalikan ko rito. O kung ang mga tao bang nasa isip ko na babalikan ko, mababalikan ko pa talaga.

Sa loob ng anim na taon nilimitahan ni mommy ang kilos ko, ni hindi niya ako hinayaang makibalita rito. Tuloy wala akong kaalam-alam sa mga nangyari sa nakalipas na taon.

Pagkapasok ng hotel room ay una kong binalingan ang wireless telephone. Kabisado ko pa ang number sa bahay, I am just hoping na iyon pa rin talaga ang gamit nila.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon