Chapter 4

201 11 5
                                        


Alexi Marie Angeles


One more day here and swear I'll gonna give up.


Nakakadalawang araw palang ako dito pero pakiramdam ko bibigay na ako. Akala ko madali lang ang condition ni Ikoy na alagaan at alalayan ko ang pitong kapatid niya while he's working outside. Parang sisiw kasi unang una, kaya na naman kumilos ng mga kapatid niya, kailangan nalang tignan ang ginagawa nila. Isa pa, may katulong naman ako sa pag-aalaga, iyong dalawang kapatid niya na babae. Kaya akala ko talaga madali lang, pero hindi pala.


Si Ikoy (or Jericho) ang panganay sa magkakapatid kaya siya ang nagtatrabaho. He's 19 years old. Sumunod sa kanya si Ina (o Aliana) na mag-i-18 years old na daw and a 4th year high school student. Pangatlo si Baging (Abbigail), 16 years old at stop na sa pag-aaral. Pang-apat si Intoy (Antonio), kambal ni Baging and stop na rin. Panglima si Aydi (Heidie) 8 years old at nasa grade 3. Pang anim si Kaloy (Carl) na 6 years old, nasa grade 1 . Pangpito si Itan (Nathan) 5 years old at nasa nursery. At ang kasalukuyan nilang bunso na si Tinay (Anitha) 9 months old.


Hindi ko maintindihan, magaganda naman ang mga pangalan nila pero bakit nila binababoy 'yon by addressing their selves such weird nicknames?


"Ate Alex, okay ka pa po?" mula sa pagtitig sa bigas ay napayuko ako kay Aydi.


Umiling ako.


"I don't know how to cook rice." dapat kasi si Ikoy ang gagawa nito pero late na raw siya sa kung ano mang trabahong gagawin niya kaya ako ang inutusan niya. Ang sinabi lang niya, magsaing daw ako ng lima.


Anong lima?!


Limang beses magsasaing ba?


Tinignan ko ang paglulutuan ko. Makes sense. Maliit lang ang kaldero at sa dami ng bata dito, kailangan nga limang beses magsaing. Kaso pagtingin ko naman sa bigasan kanina... hindi siya aabot sa limang beses na saing.


Saka kahit umabot pa 'yan sa limang saingan. Hindi ko pa rin alam paano magsaing.


"Anong sabi mo?" tanong ni Aydi. Sandali ko pang inisip kung ano bang sinabi ko. 


I don't know how to cook rice. Iyon lang naman.


Mula sa kung saan, biglang sumulpot si Ina.


"Aydi mag-a-ala sais na, naubusan ka na ng upuan niyan." karga karga niya si Anitha habang aligaga siya sa pagsusuklay ng buhok niya gamit ang free hand niya. Napatingin siya sa'kin. "Ate Alex nakasaing na?"


Namuo ang hiya sa dibdib ko.


"Hindi pa eh."


Sandali lang siyang napaamang. I cursed myself inwardly. May TLE naman kami noong highschool pero hindi naman kasi naturo iyang pagsasaing na 'yan!

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon