Chapter 27

90 7 3
                                        


"ANG pretty, pretty. Ang pretty, pretty. Ang pretty... ang pretty... ng baby namin!"


Biglang humagikgik si Anitha sa dulo ng kanta, pati tuloy kami ni Ina natawa. Inulit pa ni Ina ang kanta na may tune ng happy birthday. Well, today's the big day. Kakatapos lang maligo ni baby at ngayon at binibihisan namin siya, kaso napapatagal dahil nilalaro rin namin siya. Can't help it lalo na kapag nakikipaglaro naman siya.


"Ate ang tagal niyo daw." reklamo ni Heidie na sumilip na mula sa labas ng kwarto.


Bigla kaming napamadali ni Ina, habang pinupulbohan niya si Anitha ay kinuha ko naman ang damit nito na nabili namin sa murang halaga pero maganda. Sinuyod namin ang buong divisoria makakita lang ng damit na babagay sa kanya, mukhang mamahalin, pero pasok sa budget namin. 


"Ate ikaw muna magbihis sa kanya, kukunin ko lang 'yung sapatos."


"Sige." inabot ko si Tinay at ako ang nagbihis ng damit niya, maingat kong zinipper iyon sa likod saka siya pinatayo. "Ang cute cute mo baby!" nanggigigil kong bati sa kanya. Gusto kong kurutin ang pisngi niya, nakakainis. 


"Huy, kuya, hindi ka pa maliligo?"


Napasilip ako sa labas dahil sa boses ni Ina, hindi ko alam kung sino sa dalawang kuya niya ang kausap niya.


"Ih-khoy."


Napayuko ako kay Tinay nang magsalita siya.


"Kuya baby, ku-ya."


"Ih-khoy."


"Anitha." saway ko.


"Maiwan nalang ako dito, hihintayin ko nalang kayo."


"Sumama ka kuya!" si Ina uli, at base sa boses ng sumagot kanina, si Ikoy ang kausap niya.


Maaga pa kasi at ang balak naming gawin ay magsimba muna. Nakabihis na kami nina Ina at ngayon ang bata na ang binibihisan. Maiiwan ang kambal dito dahil si Abby ang nagluluto at si Intoy ang nag-aayos na mga dapat ayusin. Maiiwan din si Gab dahil siya ang umaalalay sa kapatid niya sa pagluto.


"Tamad tamad ni kuya, baby." kausap ko kay Tinay.


"Ih-khoy."


"Ang kulit." pinisil ko ang pisngi niya, maya maya ay hinalikan iyon. Ano ba 'tong batang 'to, sa nicotine ata pinaglihi.


"Ate oh, eto na."


Nag-angat ako ng tingin nang pumasok uli si Ina sa kwarto. Inabot ko ang sapatos na inaabot niya. 


"Ano, sasama siya?" tanong ko habang nilalagyan ng sapatos ang bata.


Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon