Chapter 17

104 8 0
                                        


"QUIAPO?"


"Quaipo." tatangu-tangong sagot ni Ikoy. "Nakapunta ka na ba do'n?"


I heard it a couple of times noon pero hindi pa ako nakakapunta doon ng personal... at sa isip ko ay wala rin akong balak, masyadong matao and I don't like it.


"Hindi pa."


Tumango uli siya sandali. "Mamayang hapon pupunta tayo doon."


"What?" napalakas ang boses ko at naalimpungatan si Anitha na natutulog. Tinapik tapik ko agad siya para makabalik sa pagtulog.


"Sinabi ko naman na 'yon, di'ba?"


"Kelan, noong may sakit ka?" tumango lang siya. "Akala ko nagdideliryo ka lang no'n."


"Paano pa ang reaksyon ko noong sinabi mong magtatrabaho ka? Ikaw ang iniisip kong nagdideliryo no'n."


Sandaling kumunot ang noo ko bago natawa, natawa na rin siya. Naalimpungatan na naman si Anitha kaya pinatahimik ko na siya.


"Ano nalang... kung hindi ako makauwi mamayang hapon, ipapasundo nalang kita dito."


"Sige."


"Sige una na kami." paalam niya, tumango nalang ako at lumabas na siya ng kwarto namin. 4am palang at ginising niya talaga ako para sabihin ang tungkol doon. So seryoso pala talaga siya sa sinabi niya 2 days ago. 


Natawa nalang ako. Bumalik ako sa paghiga at pinilit na makatulog pero hindi na ako inaantok. Lumilipad na ang isip ko sa Quiapo. Nakaramdam ako ng excitement. 


***

1pm at kakatapos ko lang maligo when Gabriel barge in. Galing ata siyang labas.


"Alex."


"Yes?" humarap ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya.


"Sabi ni kuya sunduin daw kita." nakakunot pa rin ang noo niya nang sabihin iyon. Bigla biglang bumuhos ang excitement sa'kin. 


"Ngayon na ba raw?" tumango siya bago lumapit sa sofa at umupo doon. "Sige magpapalit lang ako." mabilis akong pumasok sa kwarto at nagsara ng pinto bago kinuha ang isang pants at humugot ng pinakadisenteng tshirt na meron ako.


Lumabas na ako ng kwarto matapos magbihis para naman mag-ayos ng mukha, I don't have any kit with me at mas lalong walang make-up kit ang magkakapatid na babae kaya pulbos lang ang malalagay ko sa mukha ko. But then ayos lang naman since simbahan naman ang pupuntahan namin.


Nagsuklay ako at naglagay ng manipis na pulbo sa mukha. Sa likod ay nakikita ko ang reflection ni Gab, nakatingin sa kung anong ginagawa ko. Tinignan ko siya sa salamin.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon