Chapter 1

288 10 4
                                        


2 years later...


Alexi Marie Angeles


Why do I have to experience this kind of life?


"Now you wanted to file an annulment?! Now you already wanted it?"

"Yes! Kasi nakakapagod na! Kasi suko na ako sa'yo!"


Napailing ako. Bakit ba kasi katabi ng room ko ang room nila? I wouldn't mind kung kahilera ng servant's quarter ang room ko as long as I don't hear my parents' argument.


"Hiningi ko 'yan 3 years ago, bakit hindi mo binigay?!"

"At ano?! ... magsasama kayo ng kabit mo?!"


Sinara ko ang PolGov book na nasa harap ko. Bakit ko pa nga ba binabasa 'to eh wala rin namang papasok sa isip ko. Bakit pa ako nagrereview eh babagsak lang din naman ako sa midterms bukas.


"Bakit mo hinihingi ngayon?"

"Kasi nga nagsasawa na ako!"


Nagsasawa...


Wala sa loob na napangiti ako. Nagsasawa rin pala si mom... nakakaramdam din pala siya no'n. Parehas ba ng nararamdam niya 'yong nararamdaman ko? Iisa ba 'yong pagkasawang nararamdaman namin?


Ako rin kasi oo. Nagsasawa na din ako. Sa kanila. Sa buhay ko. Sa araw araw na nangyayari sa'kin. Sa puso ko.


Nakakasawa lahat ng nangyayari.


Bilog ang mundo at alam kong umiikot pero ibig bang sabihin no'n lahat ng nangyayari sa'tin ay umuulit-ulit din? ... katulad ng pag-ikot ng Earth sa orbit nito?


Kase kung hindi ang sagot... bakit sa'kin parang oo 'yon? May gravity nga pero sa buhay ko wala... para akong laging nakalutang, parang walang patutunguhan. Nagpipilit na makatayo ng maayos at mag-isa pero lagi rin namang natutumba.


"Sana noon mo pa sinabi 'yan, damn it! Edi sana noon palang nakawala na tayo sa isa't isa!"

"...Oo! At sana noon pa ako nakahinga ng maluwag. Pero hindi ko magawa kasi may anak ako! And I am not that selfish to break her family just for the sake of my freedom and yours too!"


Lumipat ako sa kama.


Upon hearing that, my guilt ate me.


My mother's being selfless because of her selfish daughter. Huminga ako ng malalim to release some of my guilt.


Yabag ng paa at mga kalabog ang sunod kong narinig sa kabilang kwarto. Hindi sila nagsasakitan, never naman nilang ginawa iyon. Ngayon, malamang na katulad ng dati ay nagpipilit si dad na kunin ang gamit niya sa cabinet nila, at si mom naman, pilit iyong sasarhan. Hanggang sa magpaulit ulit lang sila sa ginagawa nila. Bubuksan ni dad, sasarhan ni mom. 

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon