"Ikoy, pupunta tayo sa birthday ni dad, ah. Kasama kita." I informed him after a week of staying here with them.
Two weeks na lang bago iyon at mula kay manang ay nalaman ko ang details ng celebration. 3 days ago ay naihatid na rin sa'kin ang mga pinapakuha ko sa bahay.
"Ha?" takang sagot niya.
Humarap ako sa kanya. Nandito uli kami ng jeep at naghihintay ng turn namin sa pila. Everytime papasada siya at wala si Intoy ay tinatawag niya ako para sumama, pabor sa'kin dahil mas gusto ko 'to kahit mausok kaysa maburo sa bahay.
"Nabanggit ko di'ba na kaya ako nagalit kay dad dahil balak niyang ipakilala ang mama mo sa friends at relatives namin sa birthday niya? Kaya rin ako nagresort sa pagsisinungaling at pag-iimply na may relasyon tayo ay dahil din doon, para pigilan siyang gawin 'yon. Sa party, bago niya pa maipakilala ang mama mo, uunahan ko na sila at ipapakilala ka sa mga kamag-anak namin. That way I can stop my father from introducing your mom to our clan."
Tinignan niya ako na parang ang absurd ng sinasabi ko. Napakamot siya sa leeg habang nakangiti ng alanganin.
"Kailangang kasama ako?"
"You're ridiculous, of course!" manghang sagot ko. "Hindi naman pwedeng humarap ako mag-isa sa mga bisita at sabihing may boyfriend ako tapos hangin ang kasama ko." natatawang dugtong ko.
"Kaso sigurado akong hindi simpleng party 'yan, tapos dadalhin mo ako doon?"
"Bakit, ano bang concern mo?"
Itinutok niya ang paningin sa harap.
"Ano, OP ako doon."
Kumunot ang noo ko, "Paanong OP eh kasama mo naman ako?"
"Ta'mo nga itsura ko, tapos dadalhin mo ako sa party na siguradong puro mayaman ang mga bisita? Wag na ako, si Gaboy na lang, tisoy 'yon kaya hindi na halata." tanggi niya at natilihan ako.
"What? No! Alam mong hindi na 'yon pwede considering na ikaw ang sinabi ko kay dad, hindi siya. Saka isa pa," sinubukan kong hulihin ang tingin niya, "Ano bang problema sa hitsura mo? Wala naman, ah. Hindi ka lang siguro maputi tapos medyo payat ka pa pero hindi ka naman pangit. Tumingin ka sa'kin." utos ko, na ginawa naman niya maya-maya. "Look, wala namang problema sa hitsura mo. Honestly, you have bewitching eyes that had not I hold enough control of myself, I might have been bewitched a long time ago. You possess a darker complexion and though I'm not really fond of guys with that skin tone, I don't know but it looks good on you. It's as if you look more manly with it. Your greatest asset, aside from your eyes, ay ang personality at attitude mo." Umiling ako. "With those, hindi ka nakakahiyang ipakilala kahit kanino." I sincerely said.
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako.
BINABASA MO ANG
Never Again
RomansaComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...