Chapter 23

70 6 2
                                        


AFTER that night at the roof ay hindi na uli kami nagkausap ni Ikoy, tuloy ay hindi ko nalinaw ang tungkol sa sinabi niya noong gabing 'yon. Hindi rin naman ako ganoong ka-curious sa kwento noong Pamela kaya hindi ko na rin pinush. 


It's been a week since that and the cycle of life continues. Araw araw na akong sumasama kay Abby sa pwesto at dahil doon may mga bago akong nakilala. Katulad ni Maye na nagtitinda ng tusok tusok sa tapat ng pwesto namin. When I say tapat, hindi sa tawid, nakapwesto siya at ang lamesa niya sa tapat ng mismong pwesto namin, nakatalikod lang sa amin. I think her real name was Marielle, pero dahil kultura ata dito na papangitin ang magandang name, edi naging Maye ang Marielle.


Maye is a working student, dyan lang din sa state university na malapit. Working student siya pero hindi siya iyong employed, entrepreneur siya at ang business niya ay iyan ngang tusok tusok sa harap.


Marami akong hindi maintindihan. Una, katulad nina Abby ay may mga kapatid din si Maye na  nagtatrabaho, employed nga sa legit na company iyong isa base sa kwento niya. Mas maliit din ang pamilya nila kesa kina Abby and mura ang tuition sa school kung saan siya nag-aaralan dahil nga state U iyon, at may scholarship pa siya according to her, kaya bakit kailangan pa niyang magwork? Alam ko kung gaano kademanding sa oras ang college kaya imbis sana na magtinda pa siya after class or during her rest days, bakit hindi nalang siya magpahinga at mag-aral?


Isa sa hindi ko maintindihan, bakit turo turo ang tawag sa tinda niya. Para sa'kin ay tusok tusok 'yon kesa turo turo. At self explanatory nalang kung bakit tusok tusok ang tingin ko doon.


By the way, last night pinatikim nila sa'kin iyong calamares, sina Abby, Intoy, at Ikoy. Sa unang kain palang nasarapan na ako kahit na medyo may lansa rin akong nalasahan. At nakakatatlo na ako nang sabihin nilang squid iyon, ang akala ko kasi kung anong parte lang ng pig. Pili lang ang kinakain kong seafood at hindi kasama ang squid doon pero I think I'll made an exemption sa calamares.


Today hindi kami sa pwesto pipwesto dahil sa kabilang university daw ay magkakaroon ng mga bisita galing iba't ibang university din. Dahil doon ay magtatayo muna kami ng pwesto sa labas ng university na 'yon dahil nandoon ang mas maraming student, meaning nandoon ang kita. 5am palang ay nagriready na kami ni Abby. Si Ina muna ang umasikaso sa mga kapatid niya, si Ikoy pinatulong sa'min si Gab. Tatlo kaming pumunta sa university na 'yon, but unlike sa original na pwesto namin na walking distance lang, sa makeshift pwesto namin dito ay kailangan pa naming magtricycle dahil bukod sa medyo malayo eh marami rin kaming dalang gamit. May dalawang lamesa, upuan, mga gamit katulad ng kalan tapos maliit na tangke ng gasul tapos syempre ang mga paninda namin at may dagdag pa ngayon kasi meron din kaming cooler na may laman na mga tubig, juice gatorade. Iyong pangshake lang ang wala kasi wala raw masasaksakan ng blender dahil nga nasa labas lang kami.


By 7am ay nagsisimula na kaming mag setup, medyo nakaramdam ako ng awa kay Gab kasi siya iyong pabalik balik sa bahay at dito kapag may kailangan pang gamit o hindi kaya para kunin ang mga naiwan. Pero bulong ni Abby nang sabihin ko ang concern ko, minsan lang naman daw 'to. At mas gusto pa raw 'to ng kapatid niya kesa maiwan sa bahay at mag-alaga ng bata. Si Ikoy lang naman ang nag-utos kay Gab na maiwan kina Anitha eh, hindi ko alam kung mabait na kapatid lang ba si Gab o sadyang takot siya sa kuya niya kaya sinusunod niya 'to kahit parang labag sa loob niya.


Habang nag-aayos ay napansin ko ang ilang malalaking bus na sa tingin ko ay students ang laman, isa isa na silang nagsisidatingan. Hindi ko alam kung ano ang event sa school na 'to, ang sabi lang naman kasi nina Abby ay may 'laban' daw, hindi ko naman alam kung anong laban ang sinasabi niya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon