Chapter 8

128 5 0
                                        


Alexi Marie Angeles


Bandang hapon nang bumalik sina Gabriel at Anitha. 


"Where have you been?" tanong ko agad sa lalaki pagkapasok nila, "Kumain na si Anitha?" tanong ko saka kinuha ang bata sa kanya.


"Oo." sagot niya habang pakuha ng baso para uminom ng tubig. 


I checked Anitha, okay naman siya. Iyon nga lang puno na ang diapers niya. I decided na punasan siya at palitan ng damit at diapers, naituro na ni Aliana sa'kin kung paano 'to gawin noong nakaraang araw.


"Pasensya sa kanina." sandali akong natigilan sa ginagawa nang magsalita si Gabriel mula sa likod ko. Mabilis din akong nagcontinue sa ginagawa. Ayaw ko nalang sanang magsalita dahil hindi ko alam kung anong isasagot pero I have this feeling that I need to answer him.


So I did.


Humugot ako ng malalim na hininga, "Honestly speaking, hindi ko alam kung anong irereact. I don't even know what's happening." nilingon ko siya, "Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanong sa kung anong nangyayari kasi... outsider ako dito eh. Hindi ko alam kung anong limitations ko."


Bahagya siyang tumango, "Kung ako sa'yo, wag mo nang alamin. Magulo kami. Malilito ka lang."


Tumango ako, "As you say so." 


Kay Anitha ko nalang binaling ang pansin ko. Pero kahit na nasa bata ang pansin ko, ang senses ko nakabantay sa lalaking nasa malapit ko lang. 


"Nag-aaral ka ba?" maya-mayang tanong niya, sandali akong napalingon sa kanya, nakaupo siya sa sofa at nakatunghay sa'kin.


Tumango ako.


"Yes. Pero idadrop na rin ako ng mga professor ko."


"Bakit?"


"Kasi hindi ako nagpapasa ng requirements? Kasi hindi na ako pumapasok."


"Kasi nga naglayas ka, at naliligaw na ngayon." natatawa niyang dugtong. Hindi ko alam kung anong nakakatawa doon, "Pero, hindi mo ba naisip na baka hinahanap ka na ng magulang mo?" once again, napalingon ako sa kanya. Mas matagal kesa kanina. Nakatingin ako sa kanya pero tagus-tagusan ang nakikita ko.


Hinahanap na nga ba nila ako? O iniisip nilang isa lang sa capriciousness ko ang pag-alis ko sa bahay at soon ay babalik din ako.


"Hindi..." binalik ko ang pansin kay Anitha. "hindi nila ako hahanapin. Ang iisipin nila, nasa kaibigan lang ako. Nagpapalipas ng araw, linggo, or even a month." natawa ako sa naisip.


"O ba't ka tumatawa?"


Mas lalo akong natawa.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon