The following day ay mas late akong nagising kesa sa nakasanayan. It was already 6 in the morning when I woke up, tahimik ang buong bahay. Nakaalis na ata ang magkakapatid, at baka natutulog pa ang iba.
Hindi muna ako bumangon, tamad na tamad pa kumilos ang katawan ko, at nabugbog din ang mga binti ko dahil sa mahabang lakaran kahapon.
Anitha is still sleeping kaya wala pa akong dahilan para bumangon.
Biglang kumulo ang tyan ko.
... ngayon may rason na. Hay.
Tinatamad na bumangon ako at pumunta muna sa CR para maghilamos, walang tao bago ako pumasok ng CR pero paglabas ko ay nandoon na si Gabriel, mukhang kakagising lang din niya. Tinignan ko lang siya saka pumasok uli sa kwarto dahil nandoon ang mga twalya, pagpunta ko sa kusina ay wala na uli siya sa sala, mukhang nasa CR na.
May pandesal at palaman na doon, may ilang sachet din ng kape pero hindi naman ako nagkakape. May energen kaya iyon ang tinimpla ko. Pumunta ako sa lagayan ng cup saka kumuha ng isa, pag-ikot ko pabalik ng mesa ay nabitawan ko ang cup dahil sa gulat nang may tao nang nakatayo sa likod ko.
"My goodness gracious!"
Nasapo ko ang dibdib sa gulat, nasalo ni Gabriel ang cup.
"Makakabasag ka sa ginagawa mo." sita niya. Kinuha niya ang cup.
"Bakit hindi ka man lang nagsasabing nandyan ka!"
Hinilot ko ang dibdib, nagulat talaga ako.
"Malay ko bang kailangan ko pang ipaalam. Paabot ng asukal."
He's not even sorry. Walang modo. Tinignan ko siya ng masama bago inabot ang asukal, kumuha na rin ako ng bagong tasa dahil gamit na niya ang nauna kong kinuha. Naupo ako sa harap niya saka tahimik na nagtimpla ng energen.
"Ba't ka biglang sinama ni kuya kahapon?" bigla niyang tanong. Nakayuko ako no'n kaya I looked at him through my eyelashes.
"Mmm... ask him." kibit balikat kong sagot.
Napailing siya. Humigop ng kape bago magsalita uli. "Kelan ba didiretso 'yang dila mo?"
Medyo nagbuffer ako sa tanong niya. Nilabas ko ang dila ko para ipakita sa kanyang diretso naman iyon.
"Maayos ang dila ko."
Natigil ang pagsubo niya sana ng tinapay. Napabulanghit siya ng tawa.
"Anong tinatawa mo?" tanong ko, hindi siya tumigil. "Huy ang ingay mo, baka magising mo sina Tinay."
![](https://img.wattpad.com/cover/42000281-288-k202267.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Again
RomansaComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...