"I think I already saw her somewhere."
"Sino, si mama?" tanong ni Ina. Napalingon ako sa kanya.
"Ha?" sandali akong napasulyap sa picture saka tumango kay Ina. "Yes, she's somewhat familiar." pero hindi ko naman maisip kung saan ko siya nakita. Pero may kalabuan na rin ang litrato. This is certainly taken more than a decade ago.
Kinuha niya sa'kin ang picture saka tinignan. Pinanood ko ang ekspresyon niya. She has a tender expression on her face while looking and caressing the picture using her thumb finger.
"Buti hindi nasama sa sunog. Ito nalang ang picture kung saan ko sila makikita na magkasama eh." nakangiti niyang ani habang nakatingin pa rin sa hawak.
Binaling ko uli ang tingin sa hawak kong relo. Hinawakan ko iyon ng mahigpit. Sa ngayon, iyon ang makakatulong sa'ming lahat para makaangat mula sa sitwasyon kung nasaan kami. And right now alam kong kailangang kailangan din nina Ikoy ng pera para sa gastos sa ospital.
I hope Anitha is recovering now. Hindi basta basta ang dengue, it's fatal at times. Sana malagpasan ng bata iyon.
Gosh. My heart aches upon thinking that Anitha is suffering at the hospital.
Itinago ko ang relo sa bulsa. Bukas ay hahanap ako ng pawnshop. Hindi ko alam kung paano magsangla o magbenta kaya siguro magpapasama ako sa isa sa magkakapatid.
That night, si Intoy lang ang umuwi. Usually, sa kanilang tatlo ay isa lang ang naiiwan sa ospital tuwing gabi pero ngayon si Ikoy at Gab daw ang parehong nagpaiwan. Hindi masyadong nagbigay ng detalye si Intoy at mas doon ako nagworry. Kung hindi siya masyadong nagsalita, maybe may itinatago siya.
Hindi ako halos nakatulog magdamag. Iniisip ko si Anitha, iniisip ko rin 'yung relo. Inililista ko na sa isip ko ang paggagamitan sa pera once mabenta ko iyon.
Hindi sapat iyon para pagaanin ang buhay nila, pero sapat iyon para makapagsimula uli sila.
***
Kahit kulang sa tulog ay maayos kong nakatulungan si Abby sa pwesto kinabukasan. Sobrang ganado akong kumilos buong araw, hindi ko rin maintindihan kung anong meron sa katawan ko at ganoon ang kilos ko. Dahil kailangang kumita ng mas malaki ay mas maraming kinukuhang saging si Abby, tuloy kahit mabenta naman ang paninda namin buong araw ay gabi pa rin kami natapos.
Bago magsara ay binilang na ni Abby ang kita namin, hinati na rin niya iyon para mga pangangailangan para ngayong gabi at sa susunod na mga araw. Matapos no'n ay umuwi na rin kami.
Habang nasa daan ay kapa ako nang kapa sa bulsa ko. Hindi ako makahanap ng tiyempo para makapagpaalam. Malapit nang dumilim at baka magsara na ang mga pawnshop. Gusto ko nang magpasama roon pero hindi sana kay Abby. Si Ikoy ang hinihintay ko, sa kanya sana ako magpapasama.
Pero hindi naman siya dumaan sa pwesto sa buong maghapon, nang umalis din kami kaninang umaga ay hindi pa siya nakakauwi mula sa ospital.

BINABASA MO ANG
Never Again
RomansComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...