Chapter 5

161 8 2
                                    


Alexi Marie Angeles


Life outside your home is the real classroom and the everyday problem is the real lesson one must learn. Hindi ko alam kung paanong mas naging madali sa'kin ang nagiging buhay ko ngayon sa squatter's area na 'to kesa noong nasa bahay pa ako.


Sa bahay, bawat araw ang hirap i-endure. Para akong gumigising hindi dahil sa gusto ko kung hindi dahil sa kailangan ko. 


"Aydi, bumili ka nga munang tinapay, wala na tayong gas, hindi makakasaing."


Nagising ako sa boses ni Ina sa labas, sumilip ako sa siwang sa bintana nitong kwarto, madalim pa sa labas. Sinilip ko si Tinay na nasa tabi ko, tulog pa siya. Kaming dalawa nalang ang nasa papag. Siguro bumangon na rin si Baging.


Tumayo ako, naramdaman ko ang pananakit ng balakang ko dahil sa matigas na papag pero hindi ko na ininda iyon, after all ay unti-unti na rin akong nasasanay.


"Naggagawa pa akong asaynmen."


Lumabas ako ng kwarto, sinabulong ako ng malamig na hangin galing sa nakabukas na bintana nitong bahay.


"Kahapon mo dapat ginawa 'yan. Itigil mo muna--"


"Ako nalang." prisinta ko. Sabay sabay silang lumingon sa'kin.


"Ikaw bibili?" tanong ni Ina. Tumango ako. Marunong naman ako ah. Bigla siyang umiling. "Madilim pa, 'te. Isa pa, bilin ni kuya na wag ka palabasin. Pwede ka raw tumulong sa mga gawaing bahay pero wag na wag ka raw lumabas ng bahay."


Mabilis na kumunot ang noo ko.


"Sinabi niya 'yon?" tumango si Ina. Bigla namang pumasok si Baging, galing ata siya sa likod ng bahay.


"Baka iniiwasan ni kuya na mabastos ka dito. Ichurang mayaman ka pa naman, baka pagtripan ka."


"Opo. Mapapaaway si kuya kapag gano'n, ayaw niya kasing may nababastos na babae dito sa bahay. Noong huling away niya dyan sa kanto malala, may nangbastos kasi kay ate Pame--"


"Aydi!" sabay na sita ni Ina at Baging kay Aydi. Hindi tuloy natuloy no'ng bata yung sinasabi niya.


"Aydi bumili ka na kase ng tinapay. Magigising na yung iba sa sunod na sigaw ko, sumunod ka na." pinandilatan ni Ina ng mata si Aydi.


Napabuntong hininga ako. Wala pang 5am pero gising na gising na ang diwa ko. Nasa kusina si Ina at may inaayos dahil mamaya maya lang ay papasok na sila, si Baging naman ay nagbabalat ng mga saging na hilaw. Mamaya maya ay magluluto siya ng pangmerienda. Sa pagkakaalam ko ay may maliit silang pwesto sa harap ng isang malaking university malapit dito. Pagkain ang paninda niya.


"Ano bang trabaho ni Intoy at Ikoy?" tanong ko dahil laging maagang maaga ang gising nong dalawa. Tapos gabi na ang uwi. 

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon