Chapter 26

70 7 1
                                    


"Okay ka lang ba talaga?"


Duda nang tanong ni Gabriel, nag-angat ako ng tingin sa kanya.


"Pangatlong tanong mo na 'yan."


"Eh hindi ka naman sumasagot ng totoo eh. Magigets ko kung nagpapawis ka, mainit nga naman dito, eh pero namumutla ka rin eh. Ba't ba? Hindi ka iiwan ni Baging dito kung ayos lang ang lagay mo."


Pinagpatuloy ko ang pagtutupi ng damit. Pareho kaming nakaupo sa sahig, sa lap niya ay nakaupo si Anitha, sa pagitan namin ay nandoon ang mga damit na tinutupi ko.


I'm proud to say na kahit hindi pa ganoon ka-perfect, nagagawa ko nang magtupi ng maayos. Achievement.


"Okay lang ako, wag mo na 'kong tanungin kasi ang awkward sagutin, please?" I looked at him straight into his eyes. 


Nang magising uli ako kanina ay siya ang nadatnan ko sa sala. Nagulat pa siyang makita ako. Nagtanong siya kung bakit naiwan ako pero hindi ko sinagot ng maayos, nakakahiya naman kasing sabihin ang rason lalo na sa tulad niyang lalaki at halos ka-age ko lang. Dahil doon ay na-curious siya at mas lalong nangulit na magtanong. 


Napatitig siya sandali, I winked and smiled at him saka yinuko uli ang mga damit. Not a minute later tumayo sila ni Anitha at lumipat ng pwesto. Napakibit balikat ako.


Napangiwi ako ng gumalaw ako ng kaunti at maramdaman ko ang sakit ng puson ko. Hindi naman naging ganito ang period ko last month kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang ako pinagbigyan uli ngayong month.


Matapos magtupi ay dahan dahan akong tumayo para naman ilagay ang mga natupi sa lamesa, naka-arrange na iyon depende sa kung sinong may-ari no'n at ang gagawin nalang nila ay kunin iyon ay ilagay sa mga damitan nila.


"Ako na."


Napaatras ako dahil sa biglang pagkuha ni Gab sa mga damit. Mabilis niyang kinuha ang damit nina Anitha at Heidi at ipinasok iyon sa kwarto namin, wala akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin.


Mukhang sinisipag siya ah.


Lumabas siya uli ng kwarto at bago pa niya mapansing kanina pa ako nakatingin sa kanya ay hinanap na ng paningin ko si Anitha. Nandoon siya sa may upuan sa kusina at kumakain ng tinapay. Automatic na ngumiti ako.


"Baby...--"


"Ooop." biglang humarang sa daraanan ko ang braso ni Gab na hindi ko alam kung saan nanggaling. Takang napalingon ako sa kanya. "Ako na rin ang bahala kay Tinay, hayaan mo na siya dyan."


"Ano?" takang tanong ko, nangunot ang noo. "Tatabihan ko lang naman si baby sa ... doon eh."


"Hindi, okay lang siya dyan, umupo ka nalang doon o pumasok sa kwarto."


Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon