Deja vu.
I woke up in an unfamiliar room, in an obviously makeshift bed. Walang ibang gumising sa'kin kung hindi ang kung anong ingay mula sa labas. Matigas ang hinigaan ko pero pagbangon ko ay hindi naman masakit ang katawan ko.
Disoriented na bumangon ako at umupo. Inaantok pa ako kaya sandali kong isinandal ang noo sa ibabaw ng tuhod ko... hanggang sa makarinig ako ng pamilyar na mga boses sa labas.
Biglang pumasok sa isip ko kung nasaan ako, dahil doon ay nag-angat ako ng ulo at napalingon sa saradong pinto.
Totoong pinto na 'to this time, hindi na kurtina na tinitreat lang as pinto.
Hindi ko man sila nakikita, nabosesan ko naman sina Gab at Intoy. May pumitik sa dibdib ko nang marinig sila, na-miss ko ng kaunti ang mga 'yon. Magdadalawang linggo na rin simula nang huli ko silang makita.
Sandali kong inikot ng tingin ang kwarto. Hindi katulad sa dating bahay nila na umaaliwalas ang kwarto kapag umaga, dito ay walang kahit anong pwedeng lusutan ang liwanag kaya kahit umaga na, ilaw pa rin ang nagbibigay liwanag sa paligid. Pero kung titignan, mas maayos-ayos ito kumpara roon sa isa, mas malaki rin ng kaunti, siguro kasi wala halos gamit ang nandito.
Nang mawala ang bahid ng antok sa sistema ko ay tumayo ako at inayos ang sarili. Binuksan ko ang pinto at maliit na sala ang unang bumungad sa akin, halos wala ring mga gamit. Pero sa kanan ay nakita ko ang cabinet na naisalba nila sa sunog.
"Tulog pa si kuya?" narinig ko ang boses ni Gab pero hindi ko alam kung nasaan siya, o sila.
Mula sa sala ay kitang kita na ang kusina kung nasaan ang kalan, lababo, at isang lamesa, wala namang tao doon. Nilibot ko ng tingin ang paligid at bukod sa kwartong pinanggalingan ko ay may tatlong pinto pa akong napansin. Ang isa ay tingin ko pinto palabas. Iyong dalawa pa, sigurado ako na ang isa ay pinto ng CR at ang isa ay pinto ng kwarto.
So, nasaan sina Gab dito?
"Oo. Ewan ko kung anong oras umuwi 'yon kagabi, hindi ko na napansin." narinig kong sagot ni Intoy.
Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses niya at malapit iyon sa pinto palabas ng bahay. Lumapit ako roon. Sa tabi ng pinto ay may bintana na jalousie, kahit nakasara iyon ay naaninag ko mula rito ang bulto nina Gab at Intoy.
So nandyan lang pala kayong dalawa sa labas.
I decided to great them good morning kaya binuksan ko ang pinto. Dahil halos nasa tabi lang sila no'n, pagbukas ko ay sabay silang napalingon sa akin. I guess they are expecting Ikoy dahil nang makita nila ako ay halos mapatalon sila sa gulat. Si Gab na umiinom ng kape ay parang biglang napaso at naluwa iyon sa lupa.
"Good morning." nakangiti kong bati sa kanila.
Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha. Si Intoy ang unang nakabawi.
"A-Ate Alex!"

BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...