Chapter 30

86 6 3
                                    


THE following day ay late akong nagising, si Anitha nalang ang nasa tabi ko pagmulat ko ng mata. Agad na pumasok sa isip ko lahat ng nangyari kagabi at sandaling inisip kung nangyari nga ba lahat ng iyon o baka panaginip ko lang.


Ang bigat na naramdaman ko bigla sa dibdib ko ang nagkumpirmang totoong nangyari lahat ng iyon. Mabigat ang loob na huminga ako ng malalim. Umupo ako at pinakiramdaman ang labas ng kwarto. Tahimik ang bahay, hindi ko masabi kung tulog pa ba ang mga tao o sadyang wala sila dito.


Magbubukas kaya kami ng pwesto ni Abby?


Huminga uli ako ng malalim saka tumayo, dumiretso muna ako sa CR para umihi, maghilamos, and all saka ako lumabas. Malinis na ang buong sala pero may bakas pa rin naman ng nangyaring party kahapon, nasa tabi pa ang mga party hat at ilang lobo, hindi pa nabubuksan ang iilang regalo ni Anitha. Dumiretso ako sa kusina dahil sa lagaslas ng tubig sa gripo na naririnig ko. Doon ay naabutan ko si Abby na naghuhugas.


"You need help?"


Medyo nagulat siya at napalingon pa sa'kin.


"Uy ate, gandang morning."


"Yeah. Good morning too."


"Ikaw ba ang naglinis sa labas at sala? Malinis na pagkagising ko kanina eh. Hugasin nalang ang natira. Sabi mo kagabi gigisingin mo ako kapag nandyan na si ate Ina para magtulong tulong tayo sa paglilinis, bakit parang sinolo niyo?"


"Eh pagod na pagod ka eh. Okay lang 'yan, ayan nga oh tinirhan ka pa namin ng gagawin."


"Oo nga eh. Teka patapos na ako dito, sabay na tayong mag-almusal."


Tumango nalang ako at umupo sa upuan at humarap sa mesa, nandoon pa ang ilang malalaking kaldero na may laman pang pagkain na tira kahapon, naaamoy ko ang pagkain pero parang wala akong ganang tikman ang mga iyon.


Pinakiramdaman ko uli ang buong bahay, tahimik talaga. Electric fan lang ang naririnig kong ingay sunod sa mga kalansing ng kutsarang hinuhugasan.


Huminga ako ng malalim at parang may dumaan na kislot sa dibdib ko. Hindi ko iyon pinansin.


"Pumasok na ba sina Ina?" tanong ko maya maya.


"Oo ate, mga late nga nagising eh."


"Tayo, magbubukas ba tayo ngayon?"


"Eh? Ano, hindi na muna. Medyo masakit pa ang katawan ko, eh hindi naman pwedeng ikaw ang pagbukasin ko doon. Saka, magpahinga ka nalang din muna. Ang dami dami nating ginawa kahapon eh."


"Ganon, sige sige."


Napatulala na naman ako sa lamesa. Siya naman ay natapos na sa paghuhugas. Kumuha siya ng pinggan at pinatong sa harap ko ang isa, nilagyan niya iyon ng kutsara at tinidor saka tumabi sa'kin. 

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon