Chapter 36

57 4 1
                                    


Mom's already sleeping when I reached her room. Sa pinto pa lang ay natigilan na ako. Kanina, I can't help but to expect a worst case scenario, but seeing her now na sobrang ayos at okay na okay, parang gustong manlambot ng buong katawan ko dahil sa relief.


Mabigat ang paa na humakbang ako papasok saka marahang isinara ang pinto. Sandali ko pa siyang tinignan mula sa kung nasaan ako bago dahan-dahan na lumapit sa kanya. My heart's aching, as if it's being wring inside. Humugot ako ng malalim na hininga to ease the feeling.


Hindi ko alam kung mababaw lang ba ang tulog niya o sadyang maingay pa rin ang steps ko kahit ingat na ingat naman ako doon dahil hindi pa man ako nakakalapit ay dahan dahan na siyang nagmulat ng mata. Once again ay napatigil ako sa paglalakad habang hinihintay siyang magreact.


She's facing her right side habang nasa left ako banda kaya hindi niya agad ako napansin. I think she's about to close her eyes again nang mapansin niyang may nakatayo malapit sa bed niya. Nilingon niya iyon and it took me my seconds of breath away nang magtama ang paningin namin.


Sandali niya pa akong tinitigan bago manlaki ang mata niya at biglang bumangon. Nagulat ako at agad na tumakbo sa tabi niya.


"Dahan dahan, mom!" 


"Alexi!" she exclaimed, binalak niyang tumayo pero pinigilan ko siya.


"Mom, stay still, please."


"Alexi, where have you been? Oh my God, I missed you, baby!" 


Yinakap niya ako kahit nakaupo siya. I want to resist at first dahil baka mahila niya ang dextrose niya pero when I felt her warm and tight hug, hindi na ako nakagalaw. Not so long after my eyes got misty na kinailangan kong kumurap kurap para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mata ko.


I missed my mom too. Naging sobrang haba ng ilang buwan na lumipas para sa'kin kaya ngayon ay pakiramdam ko taon na ang binilang mula nang huli ko siyang makita.


"Mom, ako dapat ang nagtatanong niyan eh. Where have you been after you left home? Bakit kahit sa'kin hindi ka man lang tumawag?"


Bahagyang lumuwag ang yakap niya and I used the chance to freed myself away from her arms. Not that I don't want her to hug me, it is just, gusto ko siyang makausap na nakikita ko ang mukha niya.


I occupied the chair beside her bed kaya ngayon ay magkapantay na lang kami ng taas. I surveyed her face, may ilang mababaw na galos doon, sa braso niya ay may ilan din at ilang pasa.


"How are you, mom? Anong nangyari, bakit kayo naaksidente? How's our driver?"


"We're okay, Lexie, nadamay lang kami. Kami ang nasa unahan ng mga car na nagbanggaan kaya nadamay kami when the things get out of hand."


"No internal injuries?"


"I believe there's none, bukas pa lalabas ang mga results and tingin ko bukas na rin kami makakalabas dito." inabot niya ang kamay ko, napayuko ako sa lamig no'n. Well, kahit ang kamay ko ay nanlalamig at hindi ko masabi kung dahil ba iyon sa aircondition o dala ng body temperature ko na mismo. "I was so scared earlier, akala ko mas malala ang kahahantungan namin. Pero now I can't help but to thank the accident, in a way it brought you to me again."

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon