"Ikoy... I know where are they."
[Putangina? Sina Ina ba?! Teka... Alex?]
Kahit sa phone ko lang siya kausap ay ramdam ko ang pinaghalong lito at panic sa boses niya. Huminga ako ng malalim para pigilin ang luha ko. I can't believe I'm actually crying right out of frustration.
"Si Alex 'to." pakilala ko. "Saan ka?"
[Nasaan sina Ina?] agad niyang tanong.
Hindi agad ako nakasagot dahil kung sasabihin kong nandito siya sa bahay namin ay baka malito siya. Sigurado akong hindi niya maiintindihan kung anong ginagawa ng mga kapatid niya rito.
[Alex?!] tawag niya nang hindi ako ako sumagot.
"Wag ka munang magtanong kung paano, okay. Sina Ina, nandito sila sa bahay namin." alanganin kong sagot at bigla siyang natahimik sa kabilang linya. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago siya sumagot sa marahan pero malutong na paraan.
[Putangina... sinasabi ko na nga ba.]
Biglang kumunot ang noo ko sa sinagot niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.
[Papunta na ako ng Laguna, Alex. Naisip kong baka dyan dinala ni mama sina Ina. At mukhang tama ako. Puta, sana sinama ko na sina Intoy.]
Bigla akong nalito at nag-unahan ang tanong sa isip ko. "Teka... paano ka magkakaideya na nandito sila?" Napalingon ako sa bahay at biglang may pumasok na ideya sa'kin. My chest immediately tighten at the thought. "Ikoy... don't tell me, may alam ka?"
Napabuntong hininga uli siya. [Sa personal na tayo mag-usap, Alex. Magkita tayo sa terminal, okay lang ba? Malapit na ako, wala na sigurong trenta minuto 'to.] sagot niya sa mas mababang tono.
Bigla akong nakaramdam ng panlulumo. Sa isinagot niya ay para na rin niyang kinumpirma na may alam nga siya. Mas lalo lang nadagdagan ang mga tanong sa isip ko at mas lalo rin no'n pinabigat ang dibdib ko.
"Hintayin nalang kita doon." sagot ko sa mas mababang tono. Matapos ibaba ang tawag ay tinawag ko uli si manong para naman magpahatid sa terminal.
Gabi na and maybe by now ay hinahanap na ako ni mom pero hindi ko makuhang mag-alala tungkol doon. Nakapako ang isip ko sa nangyari kani-kanina lang, sa nalaman ko, at sa maririnig ko pa lang kay Ikoy.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humugot ng malalim na hininga para lang alisin ang mabigat na bagay sa dibdib ko, pero kahit anong gawin ko ay hindi naman nawawala iyon. Kinakabahan ako at hindi mapakali, pakiramdam ko mas malala pa ang nararamdaman ko ngayon kumpara sa naramdaman ko noong pabalik ako ng Laguna.
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...