PAKIRAMDAM ko naging waitress ako buong maghapon. Nang magstart ang party sa labas ay hindi na kami magkandaugaga ni Abby sa kusina, mas lalo kaming naging busy nang magsimula ang kainan. Ako at si Ina at panay ang labas pasok sa kusina para maglabas at maghanda ng mga pagkain. I didn't expect the volume of visitors, marami eh, pero karamihan doon ay mga kapitbahay, siguro nasa 20 lang ang kamag-anak nina Ina.
And speaking of, kanina rin ay naipakilala na ako ng magkakapatid sa mga kamag-anak nila. Kabang kaba ako na baka masamain nga talaga nila ang pagtira ko dito, pero walang nangyaring ganon. Hindi rin naging big deal sa kanila iyon, actually, they acted like they don't give a single shit. And I found it good.
Ngayon ay naglulungga na naman ako sa kusina. Mas okay nang nandito ako, nahihiya akong lumabas labas dahil ang ilan sa mga kamag-anak nina Ina ay sinusundan ako ng tingin, parang pinapanood ang kilos ko. I don't find it creepy dahil pakiramdam ko normal lang na gawin nila iyon, but I found it awkward. Kaya as much as possible, dito lang muna ako sa kusina. Sakto rin na maya't maya ang pasok ng mga hugasin, kailangang mahugasan agad ng mga iyon para mayroon uling magamit.
Now I am facing, again, a pile of dishes. Kung iniharap sa'kin ang tambak na hugasin na 'to months ago, baka itapon ko nalang lahat 'to sa basurahan para walang hugasan. Pero natuto na ako ngayon, alam ko na kung paano harapin ang ganito kasimpleng gawain.
Sa kalagitnaan ng pagsasabon ng mga baso ay may naramdaman akong pumasok ng kusina, napalingon ako doon. Bumungad sa akin ang isang babae na tingin ko ay mas bata lang ng kaunti sa'kin.
One of the siblings' cousin, I already met her earlier. Naipakilala lang, hindi nakausap.
"Pwede makahingi ng softdrinks, ate?"
"Yung case sa gilid ng ref, kumuha ka nalang doon. Sorry, hindi na ata malamig 'yan, hindi kasi kasya sa ref eh."
"'De, okay lang naman 'to." sagot niya saka lumapit sa may ref, bumalik ako sa pagsasabon, pero maya maya lang. "May pangbukas kayo, ate?"
Hinanap ko ang kutsilyo na kasama sa hugasin ko, may instant pangbukas na rin kasi iyon ng bote, nang mahanap ay inuna ko iyong sabunan at hanlawan saka inabot sa kanya. Hindi ko na sinubukang akuin ang responsibilidad ng pagbubukas dahil baka maaksidente lang ako, mahirap na, walang alam.
"Careful." paalala ko, pero mukhang easy lang sa kanya ang pag-open non.
Matapos niyang gamitin ang kutsilyo ay bumalik na ako sa lababo dahil akala ko rin ay babalik na siya sa labas, pero nagulat ako nang magsalita siya uli.
"Totoo bang nakikitira ka lang dito?"
Napahinto na ako ng tuluyan sa pagsasabon ng mga baso. Lumingon ako sa pwesto niya at sakto at paupo naman siya sa upuang nandoon.
"What do you mean?"
"Hindi ka po ba ka-live ng isa kina kuya? Ni kuya Gaboy halimbawa."
Imbis na masamain ang sinabi niya ay bigla akong natawa.
"Paano mo naman naisip 'yon?" naiiling kong tanong.
Pero kung sabagay, sino bang hindi magdududa sa pagtira ko dito. Halata sa akin na hindi ako sanay sa ganitong lugar yet dito ako nakikitira. Parang ang hirap nga namang paniwalaan na lumayas ako sa amin para lang tumira sa ganitong lugar.

BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...