Alexi Marie Angeles
Kung noong umaga pinanood ko lang si Gabriel kung paano magsaing, pagkatanghali ako na ang mismong gumawa. Binibigyan niya lang ako ng instructions at pinapanood ang ginagawa ko hanggang sa maisalang ko ang kaldero sa kalan. Nagtake over nalang siya sa pagbubukas ng kalan dahil hindi ko alam kung paano iyon. Hindi kasi iyon katulad ng kalan sa TLE room namin noon.
Kamuntik pang masunog iyon nang hindi agad nahinaan yung apoy pero nagawan naman ni Gabriel ng paraan. Binantay niya 'yong sinaing, tinutungan ko namang magbihis si Nathan, si Anitha ay nasa sahig at naglalaro.
"Nakakatawa..." biglang usal ni Gabriel dahilan para mapatingin ako sa kanya, "Mukha tayong mag-asawa." dugtong niya. Tumawa siya pero tinignan ko lang siya, unti-unti namang naghalo ang tawa niya nang makitang nakatingin lang ako sa kanya. "Ano, hindi ka man lang magrereact sa sinabi ko?" tinuro niya si Anitha, sunod si Nathan na nasa harap ko at kasalukuyan kong inaayos ang sinturon. Tinuro niya ako at ang sarili niya na nakatayo sa harap ng lababo. "Mukha tayong pamilya oh."
"Tsh."
Itinago ko ang tawa ko sa pagharap kay Nathan at pagbubutones ng polo niya. Kaya niya namang mag-isa ito pero ang tagal kasi bago siya matapos sa pagbubutones kung mag-isa lang siya. Isa pa, hindi pa dapat siya pinapabayaang kumilos on his own, bata pa siya kaya dapat may nag-aasikaso pa sa kanya. Ako nga noon, 10 years old na ako pero may taga suklay pa rin ako ng buhok.
Pero... iba naman kasi ang buhay ko sa buhay nila. Hays.
"Three plus five?" tanong ko kay Nathan after kong maayos ang uniform niya. Nabigla siya sandali bago i-solve ang problem gamit ang daliri niya.
"Eight."
"Eight minus three?"
"Five?"
"Correct." napapangiti kong sagot, "Ayan. Umupo ka muna, hintayin natin sina Heidie." si Anitha naman ang hinarap ko. Kakapaligo ko lang sa kanya kaya ang sarap niyang singhot-singhutin ngayon.
"Buti pa si Tinay na hindi ka naman kinakausap, pinapansin mo." maya mayang ani Gabriel. Napalingon na naman ako sa kanya.
"Anong gusto mo, ikaw ang kausapin ko?"
Hold the biatch side of yours, Lexie. Paalala ko sa sarili.
"Bakit hindi, kinakausap naman kita, sagutin lang ako ang hindi mo magawa." nababagot na umiwas ako ng tingin. "Ang sungit mo, 'no?"
"My nature."
"Dapat hindi ka masungit sa taong ginagawan ka ng malaking pabor. Kung hindi pumayag si kuya Ikoy na tumuloy ka dito, wala ka sana dito."
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...