"Hello, Intoy? Kasama mo sina Baging?... hindi? Umuwi ka muna. Samahan mo sila doon. Pasabi rin kay Gaboy siya muna sa ospital ngayong gabi... baka mamaya pa ako makauwi, hindi ko lang sigurado kung anong oras... Oo, kasama ko. Sige na... bumili ka muna ng ulam niyo ha. Bantayan mo mga bata, sige sige. Saka si Ina pala, kumustahin mo nga, ano kasi eh, parang may iba sa kanya."
Nasa labas ng bintana ang paningin ko pero ang pandinig ko ay nasa sinasabi ni Ikoy sa phone.
"Ano lang, parang ang tahimik lang, tapos laging mahaba ang mukha... hindi ko rin alam kung anong meron kaya nga tanungin mo na lang. Sige na, ibababa ko na 'to."
Nasa bus na kami ngayon. Hindi ko alam kung anong emosyon ang papaibabawin ko. Parang may sumusundot sa dibdib ko. Naghahalo halo ang worry, ang excitement, ang longing, at iba pa roon sa tuwing sumasagi sa isip ko na kaya kami nandito ngayon ay dahil pauwi na ako.
Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay marahan akong humarap sa kanya.
"Ikoy, pahiram phone." saad ko sa mababang tono. Parang biglang napagod ang buong katawan ko. Ang mga kilos ko ay naging maliliit, kahit ang boses ko.
Hindi ko alam na ang sobrang paggamit ng isip ay nakakapagod din pala physically. Kanina pa ako isip nang isip at ngayon ay hindi lang utak ang pagod sa'kin ngayon, maging ang katawan na rin.
Agad naman niyang inabot sa'kin iyon, pero sandali ring munang binawi bago ko pa maabot saka pinunasan iyon bago inabot uli sa'kin. Hindi ko na pinansin ang ginawa niya at pumindot ng numero roon. Nanginginig pa ang kamay ko habang ginagawa iyon at mas lalong nanginig habang hinihintay kong may sumagot sa kabilang line.
Nakailang redial pa ako bago ko marinig ang boses ng taong inaasahan kong makakasagot sa tawag.
[Hello?]
Napahigpit ang kapit ko sa phone. "Hello, manang Riz? This is Lexie..." agad ang paghysterical ng nasa kabilang linya. She's our decade old house helper, ang pinakamatanda rin sa lahat at ang halos nagpalaki sa'kin alongside my parents. "Sshh, manang, listen to me first," kalma kong utos. Hindi pa rin palagay ang dibdib at isip ko pero hindi ko alam kung paano ko nagagawang pakalmahin ang sarili ko. Siguro sa tulong na rin ng katabi ko. "Pauwi na ako. Sa bus terminal, kailangan ko ang driver ko para sunduin ako at dalhin kay mom, asap. You get it? Manang, you get it? In approximately 2 and a half hours, nandyan na ako. Ayokong maghintay. Get it?"
Nang umoo ang nasa kabilang linya ay agad akong nagpaalam saka binalik ang phone kay Ikoy. Matapos no'n ay humarap na rin ako sa kanya.
"Ikoy, hindi ko alam kung papaano magpapasalamat for this." panimula ko. Gusto kong tignan siya, salubungin ang tingin niya. Pero kapag tumatagal na ay kusa akong napapaiwas ng tingin. "Hindi ko inexpect na sasamahan mo ako hanggang sa pagbyahe. Gusto kong tumanggi pero I need to admit that I need you with me."
"Hindi ko rin naman kayang hayaan na umuwi kang mag-isa, Alex, lalo na sa ganyang lagay."
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...