Chapter 7

121 6 1
                                        


Alexi Marie Angeles


I felt the tension that surrounds them, hindi ko alam kung anong gagawin doon. Unconsciously ay napasulyap ako sa orasan, saka ko napansin na lumampas na sila sa oras ng pag-alis nila.


Humarap ako kay Aliana.


"Akong bahala kay Ikoy, Ina. Papasok pa kayo di'ba?  Anong oras na, oh."


Napatingin siya sa oras saka ako nilingon, she has this sorry expression on her face, "Ate, mauuna na kami. Ikaw nang bahala dito, hindi mo kailangang asikasuhin 'yang kuya namin, kaya na niya ang sarili niya." sunod siyang humarap sa lalaking dumating na kuya raw nila, "Ngayon pa lang kuya mag-isip ka na ng paliwag mo kay kuya Ikoy, at siguraduhin mong magawa mong mangatwiran bago ka ihagis no'n palabas. Kilala mo 'yon."


"Kaya ko na sarili ko."


Maya maya pa'y umalis na si Aliana, pero halata siya kanyang hindi siya mapakali. Tinignan ko uli ang lalaki.


Sino ba siya?


"Titignan mo lang ba ako?" tanong niya na kinagulat ko, nakatingin na rin pala siya sa'kin. I don't know how I will react on that. "Gabriel." nilahad niya ang kamay niya, tinignan ko lang iyon, sa huli ay ibinaba nalang din niya iyon. "Grabe..." bulong niya saka ako tinalikuran. Pumunta siya sa kwarto naming mga babae, hindi ko alam kung anong gagawin niya doon, sinundan ko siya.


"Kaano ano mo sina Ina?" tanong ko sa likod niya. Si Anitha ang pinuntahan niya sa kwarto, kiniss niya iyon kahit tulog. "Magigising mo siya." bulong ko sa may pinto ng kwarto. 


"Namiss ko 'tong batang 'to." he laughed without humor. Nangunot ang noo ko. Bigla siyang nag indian sit sa sahig saka tumingin sakin. "May pagkain ba?"


Tumango ako, nalilito ako sa action niya, parang comfortable siya dito. Baka dito rin siya nakatira?


My God, Alexi, anong pakialam mo?


"Kung gusto mong kumain, may tinapay doon. Kung gusto mong kanin, meron din. You choose." nakatingin lang siya, nailang ako. "Doon muna ako sa labas." tinalikuran ko na siya pero sinutsutan niya ako para pabalikin.


"Sino ka ba? Bakit nandito ka sa bahay?"


"I'm Alexi..." at kahit nakakahiya, kinuwento ko sa kanya kung bakit ako nandito na para bang kilala ko kung sino siya. Pakiramdam ko kasi kahit sinong nakatira sa bahay na ito at miyembro ng pamilya ni Ikoy, kailangan kong paliwanagan kung anong ginagawa ko dito.

***

Tahimik kong pinapakain si Anitha ng tanghalian habang si Nathan naman ay nagriready na for school nang biglang sumulpot si Ikoy sa pintuan.


"Aga ni kuya Ikoy!" malakas na sabi ni Nathan nang makita niya ang kuya niya


Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon