It's already lunch time kaya kinatok ako sa study para pababain. Paglabas ko ay sandali ko munang pinakiramdaman ang guest room, hindi katulad kanina ay tahimik na iyon ngayon. Siguro nakababa na sina Ina.
Dumiretso na ako sa baba at tama nga ako dahil nandoon na sila sa table at nakaupo. Usually hindi namin ginagamit ang 12 seater square na dining table dahil tatatlo lang naman kami nina mom at dad, hindi pa madalas magkakasabay kumain, pero ngayon doon nakahain ang mga pagkain. Sabagay nga naman, marami kami dito ngayon.
Nang lumapit ako ay una akong napansin ni Nathan. Ngumiti siya at tinuro ako.
"Ate Alex!"
Dahil doon ay sunod sunod na napalingon ang magkakapatid sa'kin. Bukod kay Carl, Nathan, at Heidie ay hindi ko na ibinaling sa iba ang paningin ko. Lumapit ako sa bakanteng upuan sa harap nila at doon naupo. Ramdam kong may nakatingin sa'kin pero hindi ko na muna inalam kung si Ina o Abby ba iyon at binalingan na lang ang pagkain. Caldereta ang nakahain eh, my favorite.
"Itan, tara dito sa tabi ko para hindi ka magkalat sa pagkain."
Napasulyap ako kay Abby nang marinig iyon. Nahuli niya ako kaya agad din akong yumuko sa pinggan ko. We ate in silence, tanging kalansing lang mula sa pinggan ang tunog na nangingibabaw. Mula sa peripheral vision ko ay nakikita ko sila. Si Ina, Abby, Heidie at iyong dalawang bata lang ang nandito. Wala iyong nanay nila.
Mas okay sa'kin iyon, at least matutunawan ako.
The silence made the atmosphere awkward. Ang hirap pigilan ng sariling lingunin man lang sila, lalo na hindi pansinin. Pinakaunang natapos kumain si Ina at tinulungan niyang matapos si Carl kumain. Halos sabay na natapos si Heidie at Carl at inayos ni Ina ang pinagkainan nilang tatlo pero hindi muna inalis sa lamesa, kumakain pa kasi sina Nathan at Abby. Isa sa natutunan ko noong nandoon pa kami sa bahay nila is, huwag munang magligpit ng pinggan habang may kumakain pa. Hindi ko lang matandaan kung nabanggit ba nila kung bakit bawal, basta isa iyon sa practices sa bahay nila.
Naunang tumayo ang tatlo saka umakyat sa taas. Nagawa ko lang silang tignan noong nakatalikod na sila mula sa akin. Dahil kay Ina ako pinaka naiilang ngayon, nang makaalis siya ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nagawa ako nang makakilos ng maayos.
Natapos si Abby at hinintay niyang matapos si Nathan kaya hindi pa muna siya tumayo. Tinapos ko na rin ang pagkain ko and unconsciously ay dinala ang pinagkainan ko sa sink nang matapos. Nakita iyon ni manang at nagtatakang tinignan ako, natauhan ako sa ginawa at napailing na lang saka nginitian siya.
Pagbalik ko sa dining ay nililigpit na ni Abby ang pinagkainan nila.
"May magliligpit niyan." napahinto siya sandali sa paglilimas ng mga butil ng kanin sa lamesa at napatingin sa'kin. "Kahit hindi mo na gawin 'yan, kusa na lang lilinisin ng maids 'tong table."
Bahagya siyang umiling. "Alam mo naman, ate, na hindi kami sa ganyan sinanay. Magaan lang naman 'to, bakit hindi ko na gawin, di'ba."
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...