Chapter 45

107 5 3
                                        


"Ako lang ba ang may nararamdaman dito?"


Nagpaulit ulit ang tanong sa isip ko. Kahit nasa harap ko siya ay iba ang nakikita ko sa isip ko, siya pa rin naman pero tungkol iyon sa lahat ng pinagsamahan namin sa maiksing panahon.


Nararamdaman ko ang matinding pagtibok ng puso ko pero hindi ko alam if that's enough to give him an answer. Kahit kasi ako hindi ko alam kung anong sagot doon.


Surely, he's special to me. Sa maiksing panahon, he has become a part of my life. I became dependent on him. I learned to trust him. I care for him. I enjoyed my time with him at bitin pa nga, gusto ko pa ng mas mahaba. 


Pero kahit ang mga iyon ay hindi ko alam kung sapat para masagot ko ang tanong niya. Hindi ko kahit kailan inisip na posibleng magustuhan niya ako, mas lalong hindi ko naisip na baka magustuhan ko siya. 


After my last, I thought I have already closed my heart to the possibility of loving someone again.


I know myself. I am selfish, and my love, it's destructive.


Thinking that I'd be someone I don't wish to be again just because I loved again creeps me. I may have learned my lesson from the last time but I can't be sure na hindi ko na uli magagawa iyon. Na hindi na ako magiging selfish.


Bigla akong natakot, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kanya. 


"Hindi ka ba makasagot kasi hindi mo alam kung paano sasabihin... o wala talaga?" Tanong niya uli na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.


In his eyes lies uncertainty and insecurity.


Biglang nanikip ang dibdib ko.


"Okay lang kung wala." Biglang pagbawi niya, bahagya rin siyang lumayo sa akin. Hindi ko pa rin makuha ang boses na sumagot, wala akong mabuong salita na pwedeng isagot sa kanya. "Hindi naman ako mamimilit kung wala, hindi ako gano'n. Gusto ko lang malaman, iyon lang 'yon. Kasi meron man o wala, hindi naman kita pipigilan kung desidido ka na talaga." 


"Sandali, Ikoy." Sagot ko sa pigil na hininga. Nagbaba ako ng tingin saka humugot ng malalim na hininga. "L-Let me absorb everything first. Hindi ko alam ang... ang i-isasagot."


Hindi siya sumagot, hindi rin ako nagpasalita pa, tuloy bigla pumagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. It's a dready kind of silence. 


First, humakbang ako para lumayo sa kanya at bumalik sa kama. I need to have a considerable space away from him dahil sa malapit na distansya ay hindi ako makapag-isip ng matino. 


"Kung gusto mo, uuwi na muna ako--"


Hindi niya natapos ang sinasabi at sabay kaming napalingon sa pinto nang may magdoorbell mula sa labas. Walang kumilos sa amin. Nang tumunog uli ang bell ay saka lang siya napatingin sa akin, agad naman ako sumenyas na buksan niya ang pinto.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon