Chapter 12

103 7 0
                                        


Ilang oras pa ang lumipas at pareho na kaming may ginagawa ni Abbi. Tinuruan nya ako kung paano itusok ng maayos ang banana sa stick pero dahil nadudurog ko lang ang saging ay siya na ang gumawa no'n. Hinati nalang namin ang gawain sa, siya ang magluluto at magtutusok, ako ang magshishake at tagabenta sa mga bumibili. Mabuti nalang at marunong akong gumamit ng blender.


Nakakangawit, ang init, at nakakahilo dito lalo na nang pumatak ang 1pm at naging sunod-sunod ang bumibili. Mabilis ang kilos ni Abbi at natataranta ako sa kanya.


"Dalawang banana cue ate, dalawang shake na mango, tig-limang piso."


Ni-compute ko na agad sa isip kung magkano lahat iyon habang umaabot ng plastic cups para sa shake. 30 pesos. Umabot ako ng plastic saka nilagay doon ang banana cue. Maya maya pa ay naabutan ko na ng sukli ang huling bumibili at wala pang sumusunod doon. Napaupo ako sa upuan sa tabi. 2:34pm na.


"Nakababaliw naman 'to..." bulong ko sa sarili pero umabot ata iyon sa pandinig ni Abbi dahil lumingon siya sa'kin.


"Pasensya ka na ate, ah?"


Napatayo naman ako saka umiling, bigla akong nahiya, ang labas pa ata ay nagrereklamo ako. "Hindi. Okay lang. Nagulat lang ako na ganito pala kahirap 'to."


Kung makasumbat minsan si dad kay mom tungkol sa trabaho niya akala mo wala siya sa kwarto na may aircon, upuang malambot at secretary na tumutulong sa kanya.


Napailing nalang ako.


May inabot siya sa'kin bigla. Tinignan ko iyon.


"Eh?"


"Meryenda muna tayo habang wala pang bumibili." inabot niya uli sa'kin ang banana cue. Alangan man ay kinuha ko iyon, umupo siya sa upuan na katabi ng inuupuan ko kanina. "Upo ka muna."


Napaupo nga ako, kumakain na siya ngayon. 


Tinignan ko ang saging na nasa stick, saka kinagatan ng maliit sa dulo. Nilasahan ko iyon sa dila ko. Matamis ang saging, at mas pinatamis pa ng sugar.


Added sugar 'to sa katawan.


But nah, nasosobrahan na nga ako rin sa carbohydrates dahil minsan kahit umaga nagrarice ako, white rice pa 'yon. Minsan din bread ang kinakain ko sa almusal or meryenda. There are times na naiisip kong baka umaakyat na ang timbang ko pero I am immediately dismissing the thought, hindi man ako nag-gi-gym na katulad noong nasa bahay pa ako, hindi rin naman gaanong umaakyat ang timbang ko dahil madalas akong pinagpapawisan kahit habang natutulog. I know that it is one of the ways to decrease weight. 


"Bakit ang liliit ng kagat mo?" napunta kay Abbi ang atensyon ko. She eyed me. "First time mong kumain niyan?" Tumango ako. Nanliit lalo ang mata nya. "Talaga ba? Ang dami mong first time sa'min ah."


"Oo nga eh." kinagatan ko uli ung saging. Tumayo naman siya at may kung anong ginawa, maya maya lang umupo uli siya sa kinauupuan niya kanina saka may inabot na naman sa'kin.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon