KINABUKASAN ay nagising kaming lahat dahil sa ingay sa labas, may kumakalampag sa pinto ng bahay at rinig namin ang faint shouts mula sa labas.
"Ano 'yon?" disoriented na tanong ni Ina, napabangon na rin si Abby. Inaninag namin ang labas pero madilim pa naman, sumilip ako sa orasan, 3:45am palang.
Then I noticed something, may mabahong amoy, parang may nag-iihaw pero sunog na ang niluluto. But it's only quarter to 4am...
Something snapped inside my head, and before I could confirm the thought, bigla kaming nakarinig ng pagkalakas lakas na sigaw.
"SUNOOOOOOOOOOOOG!"
Abby, Ina, and I jerked out from the papag. Mabilis na kumapit sa'kin ni Abby, parang batang hindi alam ang gagawin at natatakot. Tatakbo na sana palabas si Ina nang biglang humawi ang kurtina na tabing ng kwarto at biglang sumulpot si Ikoy.
"K-Kuya!"
"Lumabas kayo! Dali!!" sigaw niya sa'min.
Oh my God.
Sabay kaming yumuko ni Ina para gisingin sina Heidie at Anitha. Binuhat ko nalang si Anitha habang pinagtulungang gisingin nina Abby si Heidie.
"Bilis!" taranta pang sigaw ni Ikoy kaya naman nagbuckle ang tuhod ko sa kaba at taranta na rin. Lumapit siya at kinuha si Anitha sa'kin saka ako hinawakan sa likod at pinalabas. Sinalubong kami ng nagmamadaling si Gab at kinuha niya si Anitha mula kay Ikoy. Tinulak ni Ikoy ang likod ko palapit kay Gab. "Ilabas mo na sila, doon kayo sa labasan Gaboy."
"Sina Ina?!" nagmamadaling tanong ni Gab, hinahanap ang mga kapatid niya sa likod ko.
Hindi ko alam kung paano pa magrereact, pakiramdam ko once na ibuka ko ang bibig ko ay bibigay ang buong katawan ko dahil sa terror. Halos hindi na rumehistro sa isip ko ang ingay, ang sigawan, ang panic, ang pagmamadali. Nakita ko ang makapal at maitim na usok, ang takbuhan ng mga babaeng nagmamadaling makalabas tangay ang mga anak nila at ilang mga gamit, habang ang mga lalaki parang bumbero na tumatakbo pa papasok sa looban imbis na lumabas na. Nakita ko ang malaking apoy na akala mo halimaw na gutom, kinakain ang bawat madaanan, at lumalaki nang lumalaki bawat minutong dumadaan.
Then all went in a blur. Naramdaman ko ang init habang naglalakad pero hindi ko matandaan kung paano kami nakarating sa labasan. Alam kong nagmadali kami pero hindi ko naramdaman na kumilos ako. Naririnig ko ang ingay pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi.
"Alex!"
That snapped something inside my head. Napatingin ako sa harap ko. Matagal akong napatitig doon bago ko makilala kung sinong nasa harap ko.
Si Ikoy. At nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin, pero kahit ganon nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Saka ko lang narealize na kanina niya pa ako kinakausap. Ngayon ko lang din naramdaman na nakahawak siya sa magkabilang braso ko. At mas lalong ngayon ko lang napansin na masyado siyang malapit sa akin, parang imbis na sa tainga, sa mukha niya ako sinisigawan.
BINABASA MO ANG
Never Again
RomanceComplete. [ Again series book 1 of 4 ] "ℌ𝔞𝔭𝔭𝔦𝔫𝔢𝔰𝔰 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔢 𝔞 𝔡𝔦𝔞𝔪𝔬𝔫𝔡--𝔯𝔞𝔯𝔢 𝔞𝔫𝔡 𝔥𝔞𝔯𝔡 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔡. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔶𝔬𝔲 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡 𝔬𝔫𝔢, 𝔶𝔬𝔲 𝔨𝔫𝔬𝔴 𝔦𝔱'𝔰 𝔴𝔬𝔯𝔱𝔥𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢." Alexi Marie has everything other...