Chapter 37

64 6 1
                                    


Ang balak ko lang ay pumikit para ipahinga ang isip ko kahit sandali pero ang pikit ay nauwi sa tulog, nagising na lang ako nang tawagin ako ni manong at sabihing nandito na kami sa bahay. Disoriented na dumiretso ako ng upo at inayos ang sarili, nilingon ko pa ang paligid at nandito na nga kami.


Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago lumabas. My heart's pounding inside habang tinatanaw ang bahay. Seeing dad inside is nothing pero kung pati ang kabit niya ay makikita ko, hindi ko masasabing okay iyon.


Mula sa labas ay tahimik ang bahay, na normal lang naman kaya hindi na ako nagtaka. Ang ipinagtaka ko ay nang pagpasok ko sa loob ay wala akong makitang kahit sino. Usually kasi kapag may dumarating na sinuman sa amin ay may sasalubong agad na maid para tignan kung may maitutulong ba sila sa amin o di kaya para i-assist kami kung sakaling may utos kami.


Pero ngayon ay wala.


But that's not my priority now. Ipinilig ko ang ulo saka nagsimulang libutin ng tingin ang buong sala. As far as I know ay nandito ang wireless phone, hindi ko lang alam kung saan eksakto.


Tahimik kong hinanap iyon sa mga pwesto kung saan ko pwedeng makita iyon pero wala. When I started to get impatient dahil hindi ko makita ang hinahanap ko ay padabog akong pumunta sa kusina para hanapin si manang Riz.


"Manang?" tawag ko nang walang makitang tao roon. "My God, where are these people—Manang?!"


Pero walang sumasagot and I doubt kung may tao ba rito kaya naman lumabas na lang uli ako ng kusina and sakto namang nakarinig ako ng kalabog sa taas.


So may tao roon?


Hindi ko na pinag-isipan masyado at umakyat na lang sa second floor, what is there to think when this is our house anyway.


Tahimik ang hallway pag-akyat ko pero paglingon ko sa kanan ay napansin kong bukas ang pinto ng dalawang guest room. Mula sa siwang ng unang pinto ay nakita ko ang mga maids namin. Agad akong lumapit sa unang kwarto na mas malapit at binuksan ng malaki iyon. Sa loob ay naabutan ko ang dalawang maid na inaayos ang buong kwarto.


"Anong meron dito?" tanong ko dahilan para bigla silang mapalingon sa gawi ko. Agad na bumakas ang gulat sa mukha nila nang makita ako, ang isa ay agad na lumapit.


"Ma'am Lexie."


"Where's manang Riz?" tanong ko agad dahil siya lang naman ang kailangan ko.


"Wala pa po si manang. Umalis po sila. May kailangan po ba kayo? Babalik na po ba kayo dito sa bahay, lilinisin mo namin iyong kwarto niyo ag—"


Umiling ako. "No need, hindi ako magtatagal dito, I just need manang but since she's not here ay sa inyo na lang ako magtatanong."


"Ano po 'yon?"


"We have a wireless phone, right? Where—"

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon