Chapter 32

84 5 1
                                    


"Kung papauwi na ba kita, uuwi ka na sa inyo?"


Nagbuffer ang isip ko kasabay ng bahagyang pagbagsak ng panga ko. Parang may biglang sumakal sa puso ko dahil sa tanong niya.


"U-Uuwi na ako?" I stupidly asked. Parehong hindi sumang-ayon ang isip at puso ko sa sinabi niya pero hindi ko agad naisatinig 'yon.


Biglang siyang umiling, tapos nalilitong nagkibit-balikat. "Gusto ko lang malaman kung gusto mo na ba?"


"Paano ako makakauwi kung sakali?" tanong ko, misleading him in a way.


Nakita ko ang sandaling pagkurap ng mata niya at ang biglang pag-ilap nito.


"T-Tawagan natin ang pamilya mo. Magpapasundo ka na sa kanila. Naniniwala akong kahit nanakaw sa'yo ang cellphone mo eh alam mo naman ang numero sa bahay niyo. Sinasadya mo lang na hindi sila kontakin."


Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kabisado ang number ni mom at dad pero kabisado ko ang landline sa bahay, in a snap of a finger I can call someone at home at magpasundo dito. Pero sa loob ng halos limang buwan ko dito ay hindi ko ginawa iyon ni minsan.


Bigla akong nalungkot, binibigyan ako ni Ikoy bigla ng ideya na umuwi na. Why, hindi niya na ba ako kayang isama sa responsibility niya?


Ang lungkot na nararamdaman ko ay agad na napatungan ng guilt dahil sa naisip ko. 


Hindi ako nakasagot agad, hindi ko napansin na naghihintay pala siya ng sagot. Nang walang makuha mula sa akin ay nagsalita uli siya.


"Pero hindi kita pinapaalis ah. Gusto ko lang magtanong."


Ayoko pang iwan sila dito, not in this kind of situation. Sila ang sumalo sa'kin noong wala ako, ayokong bitawan sila dahil sila naman ang wala ngayon.


Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Let's talk about it some other time, sa ngayon, problemahin muna natin kung paano natin masusurvive itong araw na 'to pati 'yung mga araw pang darating."


He smiled as an approval and for the first time since this morning, I saw him genuinely smiled. 


Nang matahimik kami ay napaisip ako, kailangan ko mag-isip ng paraan para imbis na makabigat at makadagdag sa alalahanin ni Ikoy ay makatulong ako sa kanila. Pero wala naman akong ibang alam na gawin maliban sa kumilos dito sa pwesto.


Maya maya lang ay bumalik na rin si kuya Mario dala ang hinihiram namin. Agad na sinira ni Ikoy ang lock, sa tatlong malakas na pukpok ay nasira ang padlock. Una niya akong pinapasok, dumiretso ako sa lalagyan namin ng buns at kumuha ng 3 packs.


"Pwede na ba 'to?" I asked him. Every pack naman is may 6 pieces and malalaki bawat piraso.


Tumango siya. Chineck ko 'yung mga saging namin, baka kasi masira na sila eh mukhang hindi pa naman kami magbubukas ngayong araw. Good thing at halos karamihan doon ay hilaw pa, may isa o dalawang araw pa bago sila mahinog.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon